Bubot na Bayabas (108)
“MAY babaing nagbigay sa iyo ng tsinelas noong ikaw ay dalagita pa lamang at ang babae ring iyon ang napanaginipan mo,’’ sabi ni Tandang Santo kay Guava. “Tama ba ako?” tanong pa nito.
“Opo.”
“Napanaginipan mo siya kamakailan habang ikaw ay may mataas na lagnat. Sa panaginip, pinayuhan ka na magpakulo ng dahon ng bayabas at inumin mo ang pinaglagaan. Tama?” tanong ni Tandang Santo.
“Tama po.”
“Ano ngayon ang ikukunsulta mo sa akin, Guava?”
“Gusto kong malaman kung sino ang babaing ‘yun, Tandang Santo. Nahihiwagaan na po ako.”
“Bakit ka nahihiwagaan?”
“Kasi nga po, dalawang beses na siyang nagpapakita sa akin at hindi ko alam kung bakit. At sino po ba ang babaing ‘yun?”
“Bago ko sagutin ‘yan, meron pa bang ibang problema na gusto mong isangguni?”
“Opo. Meron po.”
“Ano?”
“Ang dalagita po na kamukha ko. Sino po siya Tandang Santo? Naguguluhan po ako at pati si Apol,” sabi ni Guava at itinuro si Apol.
(Itutuloy)
- Latest
















