^

True Confessions

Bubot na Bayabas (103)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAILAN mo balak na puntahan si Tandang Santo, Apol para makapaghanda rin ako,’’ tanong ni Manang.

“Sasabihin ko po muna kay Guava, Manang. Kapag pumayag siya, sasabihin ko sa’yo kung kailan tayo pupunta.”

“Sige Apol. Puntahan mo lang ako rito.”

“Sige Manang. Pero baka nakakaabala ako sa’yo—nagtitinda ka.”

“Hindi. Okey lang sa akin Apol. Gusto ko nga uli na makarating sa Nagcarlan. Isang beses pa lang akong nakarating dun. Gusto kong bumili ng espasol at sing-aling.”

“Ah sige po. Ia-advise kita kung kailan tayo pupunta sa Nagcarlan. Sasabihin ko kay Guava ang napag-usapan natin tungkol kay Tandang Santo.”

“Sige.”

“Pero talaga bang mahusay siya, Manang?”

“Oo.”

“Sana malaman na namin ni Guava ang babaing­ nagpakita sa kanya sa pa­naginip. Hangga’t hindi namin nalalaman kung sino ang babae, hindi kami komportable.”

“Pati ‘yung dalagita na kamukha ni Guava, isangguni n’yo na rin. Palagay ko, may gusto ring ipabatid ang dalagita.”

“Oo nga Manang, isasa­sangguni rin namin ang tung­kol sa dalagita.”

“Sige, hintayin ko ang ad­vise mo Apol.”

“Opo Manang.”

 

DINALAW ni Apol si Guava­ kinabukasan. Sinabi­ niya ang tungkol kay Tandang Santo. Bukod sa nang­gagamot ang matanda, marunong din ito mag-interpret ng panaginip.

“Sige Apol, puntahan natin si Tandang Santo. Gusto ko nang malaman ang tungkol sa babaing lumitaw sa aking panagi­nip.”

“Pati ang tungkol sa dalagita ay ikukunsulta natin.”

“Sige Apol.”

(Itutuloy)

MANANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with