Flyover na bulok, Idol Raffy ang kumuyog
GRABE, mga kamote. Yung Aganan Flyover sa Iloilo, na ?802 milyon ang nilustay, hanggang ngayon wala pa ring silbi. Imbes na ginhawa sa tao, trapik at asar ang inabot.
Ang masakit pa, yung kumpanyang UTCP na palpak din sa bumagsak na tulay sa Isabela, sila pa raw ang kinuha sa soil testing. Eh ano ‘to, testing lang din sa pasensya ng mga tao?
Buti na lang nandiyan si Idol Raffy Tulfo. Kung iba-ibang senador, baka paikut-ikot pa ang tanong. Pero si Idol? Diretso. Walang paliguy-ligoy.
Sabi niya, bago ninyo binibigyan ng kontrata mga ‘to, suriin muna kung may kakayahan ba talaga o puro drawing lang.
Eh tama naman, kasi kung pera ng bayan ang nilalaro, dapat siguradong gawa, hindi bara-bara.
At nung nalaman niya na sa ?802 milyon, ?308 milyon na lang ang natitira tapos baka humirit pa ng dagdag ?300 milyon para matapos? Boom! Pinutakti ni Idol.
Sabi niya, singilin na ang liquidated damages, ipasa sa kompanyang palpak, at i-report agad kung ano ang gagawin.
Ayun, napa-“oo” tuloy si Engr. Esquibil ng DPWH. Sino ba naman kasi ang makatatanggi kay Idol kung pinupuyat ka ng tanong niya?
Kung tutuusin, wala namang magic si Tulfo. Common sense lang pero yung common sense na bihirang-bihira sa gobyerno. Kaya saludo ang tao, kasi siya lang yung may tapang na ipitin sa leeg ang mga kumakayod sa kaban ng bayan.
Kaya mga boss, klaro ang kuwento. Flyover bulok, proyekto lugmok, pero si Idol Raffy, kumuyog para ipagtanggol ang tao. Kung wala siya, baka nakaholdap na naman sa bulsa ng taumbayan ang mga tusong kontratista.
- Latest



















