Bubot na Bayabas (32)
ANG unang babae na nag-inquire para umupa sa room ni Apol ay si Pam, 30, single mother na taga-Bulacan at nagtatrabaho sa Buendia Avenue. Lingguhan ang uwi niya sa Bulacan. Ayon kay Pam, mas makakatipid daw siya kung uupa kaysa mag-commute araw-araw. Isa pa raw, hindi siya mapapagod. Dahil malapit lang ang inuupahan niya sa kanyang work, mas komportable siya.
Nag-down agad at nag-deposit si Pam makaraang makita ang room.
“Para hindi na mapunta sa iba, Mr. Apol,’’ sabi ni Pam makaraang ibigay ang bayad.
Ibinigay ni Apol ang susi kay Pam.
“Kailan ka lilipat?’’ tanong ni Apol.
“Bukas ng umaga.”
“Sige. Basta kung may problema sa kuwarto, text mo agad ako o tawagan kaya. Itong number ko.”
“Salamat Apol.”
KINABUKASAN, may nag-inquire uli. Isang babaing nagtatrabaho sa Pasay Road. Single mom din at taga-San Pedro. Nagngangalang Cherie.
Ipinakita ni Apol kay Cherie ang kuwarto. Nagustuhan agad.
Nag-down at deposit. Ibinigay ni Apol ang susi.
“Kailan ka lilipat?”
“Sa Linggo. May mga gamit akong dadalhin.”
“Okey Cherie. Kapag may problem, call mo agad ako. Itong number ko.”
“Okey Apol.”
Nang makaalis si Cherie, napangiti si Apol—lumalapit ang grasya. Tama ang ate niya, lalapit ang pera.
(Itutuloy)
- Latest






















