^

True Confessions

Bubot na Bayabas (24)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI maalis sa isipan ni Apol ang dalagita at ang babaing nakita sa Ayala Avenue dahil sa malaking pagkakahawig ng mga ito. Nagkataon lang kaya ‘yun? Marami naman talagang tao ang nagkakamukha pero hindi naman magkaanu-ano. Ilang Presidente na ng Pilipinas ang may kamukha.

Pero ang pagkakamukha ng dalagita at ng babaing nasalubong niya sa Ayala ay malapit na malapit—pa­rang iisa sila. Parang pinag­biyak na bunga!

Matagal din bago niya naalala kung sino ang kamukha ng babaing nasalubong sa Ayala—ang dalagita pala.

Nahihiwagaan si Apol sa mga nangyayari. Una, big­­lang sumulpot sa kanyang bakuran ang dalagita at tinangkang kumuha ng bayabas. Ikalawa, wala raw nakikitang dalagita na pumasok sa bakuran, ayon sa may-ari ng sari-sari store.

Saan nanggaling ang dalagita? Mahiwaga talaga!

ISANG umaga ng Sa­bado, nagwalis ng mga tuyong dahon ng bayabas si Apol. Tinipon din niya ang mga nalaglag na hinog na bayabas. Pinagmasdan niya ang punong bayabas.

Napakabilis lumaki. Natatandaan ni Apol na hindi naman niya itinanim ang bayabas dahil kusa na itong naroon nang bilhin ang lote. Hindi na niya inalis ang ba­yabas maski nang magpa­gawa ng bahay. Siguro’y ibon ang nagdala ng buto ng ba­yabas at lumaki.

Abalang-abala si Apol sa pagwawalis nang may tumawag mula sa labas. Boses ng babae.

“Apol! Apol!”

Tiningnan ni Apol.

(Itutuloy)

AYALA AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with