^

True Confessions

Hiyasmin (204)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ma, siya si Dax. Siya ang nagpaaral sa akin at ngayon ay boyfriend ko,’’ sabing matatag ni Hiyasmin sa kanyang ina. Si Dax ay nagulat sa paraan ng pagpapakilala ni Hiyasmin. Wala nang paliguy-ligoy pa.

“Kumusta ka Dax?’

“Mabuti naman po.’’

“Salamat sa mga nagawa mo kay Hiyasmin. Hanga ako sa’yo.’’

“Walang anuman po yun. Karapat-dapat lang na ­tulungan ang katulad niyang nagsisikap sa buhay. Bukod dun, matapang at determinado si Hiyasmin. Marunong gumawa ng paraan.’’

“Salamat at ikaw ang taong nilapitan niya. Hindi ka mapagsamantala at hindi nang-aabuso. Bihira na ang katulad mo.’’

“Salamat po uli. Ang dami mo na pong puntos sa akin. Maganda yata ay kumain muna tayo dahil baka lumamig ang ating pagkain,’’ sabi ni Dax.

“Oo nga. Kain na tayo ‘Ma.’’

Kumain sila.

Habang kumakain ay napapasulyap si Dax sa mama ni Hiyasmin. Maganda rin ito at may pagkakahawig kay Hiyasmin.

Hindi na nakatiis si Dax at pinuri ang mama ni Hiyasmin.

“Maganda ka rin po tulad ni Hiyasmin.’’

Napangiti ang mama ni Hiyasmin. Hindi nagsalita.

“Mas maganda lalo sana ‘yan kung hindi dumanas ng mga hirap at pasakit,’’ sabi ni 0Hiyasmin at bahagyang ngumiti pero may asim.

Sinulyapan ni Dax ang mama ni Hiyasmin. Nakatungo.

Iniba ni Dax ang usapan.

“Balak na po naming magpakasal ni Hiyasmin. Isa yun kaya kami nakipag-meet sa iyo. Wala pa namang date ang kasal pero mangyayari yun.’’

“Kayong dalawa ang bahala. Alam kong marunong kayong magplano—naniniwala ako sa inyong kakayahan.’’

“Salamat po,’’ sabi ni Dax.

“Ikaw na ang bahala kay Hiyasmin, Dax. Mahal na mahal ka ng anak ko.’’

Napatango si Dax.

Si Hiyasmin ay nakatingin sa ina.

(Itutuloy)

DAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with