^

True Confessions

Hiyasmin (202)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“GUSTO ko talaga, hindi ka na umalis dito, Hiyasmin. Malulungkot ako kapag umalis ka rito. Pero kung pakikiusa­pan ka ng mama mo, ano ang magagawa ko e nanay mo yun?’’ sabi pa ni Nanay Julia.

“Kaya nga po nagpasya na si Dax, Nanay na magpakasal na raw kami. Ako nga rin po nagulat sa sinabi niya. Akala ko nagbibiro siya—totoo pala. Hindi nga lang po niya sinabi kung kailan ang balak niyang magpakasal kami.’’

“Siguro ay hindi na magtatagal yun, Hiyasmin. Ang alam ko, maraming ipon ang anak ko. Nun nga bigla siyang nagdesisyon na bubukod sa amin. Wala kaming kaalam-alam na may nabili na pala siyang house and lot dito sa Maynila. May kamahalan na ang property­ rito pero nabili niya. Nang lili­pat na lang siya saka si­nabi sa amin.’’

“Talaga pong masinop at masikap si Dax ano, Nanay?”

“Oo. Mula pag­kabata pa, tala­gang ma­sikap at masinop na.’’

“Kaya talagang suwerte ako sa kanya, Nanay.”

Niyakap ng matanda si Hiyasmin at saka binulu­ngan: “Gumawa agad kayo ng baby para lalong maging masaya ang bahay na ito.’’
Napahalakhak si Hiyasmin.

“Sasabihin ko po kay Dax, ha-ha-ha!’’

“Naku baka totohanin e buntis ka na pagkinasal kayo. Huwag mong sabihin. After ng kasal na lang.’’
Tumango si Hiyasmin.

KINAGABIHAN, hindi makatulog si Hiyasmin. Iniisip niya ang nalalapit na pakikipagkita nila ni Dax sa mama niya. Paano kung pakiusapan siya ng mama niya na doon na tumira sa bahay nito.

Hindi siya papayag! Ma­buti nga siguro na magpa­kasal na sila ni Dax. ‘Yun ang tamang paraan.

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with