^

True Confessions

Hiyasmin (201)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, si­nabi ni Hiyasmin kay Nanay Julia ang mga plano ni Dax para sa kanila.

Hindi nakapagsalita­ ang matanda. Tama ang sinabi ni Dax na mabibigla ang ina sa balita.

“Salamat sa Diyos at nagkaroon na rin ng plano si Dax.’’

“Siya nga rin po ang nag­sabi na ibulgar ko na sa iyo ang ang aming relasyon.’’

Nagtawa ang ma­tanda.

“Hindi pa rin niya alam na magkasabwat tayo, he-he-he!”

Nilagay ni Hiyasmin ang hintuturo sa bibig bilang babala na hinaan ni nanay ang pagsasalita.

“Baka po marinig ni Dax ang lihim natin.”

“Ay oo nga, sori, Hiyasmin.’’

“Basta po ang balak niya ay magpapakasal kami.’’

“Bakit naman ang bilis niyang magpasya?’’

“Para raw po hindi na ako umalis dito sa bahay. Sabi ko kasi, baka yayain ako ni Mama na tumira sa bahay niya lalo patay na ang asawa niya.’’

“Ah oo nga. Kumusta naman ang mama mo?”

“Okey naman po siya. After mailibing ang asawa niya saka namin siya imi-meet ni Dax.’’

“Tama yun.’’

“Basta po, may plano na si Dax sa aming da­lawa, Nanay.’’

(Itutuloy)

DAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with