^

True Confessions

Hiyasmin (200)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG magpapakasal tayo, hindi ka na aalis sa bahay dahil magiging esposa na kita di ba?’’ sabi ni Dax.

“Totoo ba ang mga sinasabi mo Dax o binibiro mo naman ako. Kung minsan, hindi ko alam kung nagbibiro ka o totoo ang sinasabi mo.’’

“Totoo. Ganyan ang gi­na­gawa ng mga kalalakihan ngayon, para raw mabawasan sila ng gastos sa date at iba pa, pinakakasalan na lang nila ang siyota nila. E di tipid dahil sa bahay na lang sila kumakain, ha-ha-ha!’’

“Ano ba Dax? Seryoso ka ba talaga?’’

“Oo, seryosong-seryoso ako. Pakakasalan kita para hindi na tayo magkalayo pa. Nasa edad na naman tayo kaya puwede na.’’

“E kailan mo naman ako pakakasalan?’’

“Kung ka­ilan mo gusto.’’

“Baka na­bibigla ka lang, Dax.’’

“Hindi ako nabibigla. Pa­kakasalan talaga kita.’’

“E di dapat sabihin na natin sa nanay mo ang balak.’’

“Ikaw ang bahala. Ikaw na ang magsabi dahil vibes naman kayo.’’

“Pero di ba sabi mo, ayaw mo munang ipaalam sa kanya ang relasyon natin.’’

“Nagbago na ang pasya ko, Puwede mo nang sabihin sa kanya.’’

“Naku matutuwa si Nanay, Dax. Sigurado ako.’’

“Gustung-gusto ka niya, Hiyasmin.’’

“Mamaya, pagdating natin sa bahay, sasabihin ko na.’’

“Sige.’’

“Naiimadyin ko na ang re­aksiyon niya kapag nalaman na pakakasalan mo ako.’’

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with