^

Police Metro

NPC nagpahayag ng buong suporta kay Cong. Tulfo

Mer Layson - Pang-masa
NPC nagpahayag ng buong suporta kay Cong. Tulfo
ACT-CIS Partylist at House Deputy Majority leader Rep. Erwin Tulfo
House of Representatives

Huwag ng gawing testigo ang media sa droga

MANILA, Philippines — Nagpahayag ang National Press Club (NPC) ng buong suporta sa panawagan ni ACT-CIS Partylist at House Deputy Majority leader Rep. Erwin Tulfo na humihikayat sa Senado na maghain ng panukala na huwag nang isama ang media sa mga testigo sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga, bilang bahagi ng inventory team.

Sinabi ni NPC President Leonel Abasola na napapanahon nang maamiyendahan ang naturang batas dahil na rin sa panganib na hatid nito sa mga media personnels.

“Napapanahon na po na maamiyendahan ito dahil na rin sa nalalagay sa panganib ang buhay ng media,” ayon kay Abasola.

Sinabi pa ng NPC president na tinalakay na ng NPC at iba pang stakeholders ang naturang isyu sa isang consultative meeting sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).

“Nagpapasalamat po ako sa NPC dahil suportado nila ang aking panawagan na huwag nang isama o gawing testigo ang mga mamamahayag sa operasyon ng droga dahil nanganganib po ang buhay ng mga dati kong kasama sa hanapbuhay,” ayon kay Cong. Erwin.

Matatandaang bagama’t aprubado na ng Kamara ang pag-amiyenda sa Section 21 ng Republic Act 9165, wala pa namang naihahaing ganitong panukala ang Senado.

NATIONAL PRESS CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad