^

True Confessions

Hiyasmin (30)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi po kasi kasali sa usapan natin na pakakainin mo ako Sir Dax kaya natitigilan ako,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Sabi ko na nga ba kaya ka natitigilan. Sige, kain na. Mula ngayon, kasali ka na sa pagkain.’’

“Napakabuti mo Sir Dax.’’

“Kasi napakasama ko naman kung kumakain ako rito at ikaw ay hindi. Hindi ako ganun katigas ang damdamin. Kaya kapag kumain ako, kakain ka rin.’’

“Salamat po uli.’’

“Sige kain na. Mukhang masarap ang pagkakagisa mo ng repolyo at carrots.’’

Naupo na si Hiyasmin.

Kumuha si Dax ng gulay. Kumutsara at tinikman.

“Sarap nga. Mapaparami ang kain ko nito. Masarap ka palang magluto.’’

“Ganyan din po kasi ang niluluto ko sa bahay ng step­father ko.’’

“Ikaw din ang nagluluto roon?’”

“Opo. Kapag wala akong pasok sa school at pabrika ako ang gumagawa. Nagpaparinig po kasi ang stepfather ko.”

“Pero di ba may trabaho ka naman? Hindi ka naman niya palamon di ba?’’

“Kasi sa bahay niya ako nakatira. Kaya nga po pinilit kong maka­alis bukod sa pinagnanasaan niya ako.’’

“Parang ang kuwento ng buhay mo ay yung mga napapanood sa TV na pinag-iinteresan ng mga manyakis na lalaki. Totoo palang nang­yayari ang ganun.’’

“Opo. Hindi po kathang isip ang nangyayari sa buhay ko.’’

“Kaya talagang nagpu­milit ka na umalis dun.’’

“Opo. At ngayon ko rin po napatunayan na may taong katulad mo na handang tumulong sa mga katulad ko.’’

“Sa totoo lang, Hiyasmin­, ayaw ko talaga na may ka­sama sa bahay. Pero nang marinig ko ang story mo, nabago ang plano ko. May pagkakataong dapat isantabi ang pansariling kapakanan para makatulong sa iba.’’

“Hindi po matatapos ang pasasalamat ko sa’yo Sir Dax.’’

“Sige kain na at baka magkaiyakan pa tayo.’’

Pagkatapos kumain, si Hiyasmin ang nagligpit ng pinagkainan.

“Ako na po ang mag­hu­hugas.”

“Pagod na pagod ka na.’’

“Hindi po.’’

(Itutuloy)

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->