^

True Confessions

Suklam (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Gulat si Brent sa sinabi ni Mara na dito raw sa stockroom gumagawa ng kasalanan si Vivian at lover niya.

“Paano mo nalaman na dito sila gumagawa?’’

“Diyos ko, halos lahat ng empleyado, nakakaalam na ng milagro rito sa stockroom. Late ka talaga sa balita, Brent.’’

“E di alam na rin ng lahat kung sino ang lover ni Vivian?’’

“Oo naman. ‘Yun pa ba ang malilihim dito?’’

“Mabuti at di nalalaman ng management?’’

“E siguro alam, kaya lang, hindi kayang ibulgar dahil nga ninong ni Vivian­ si Bossing. At saka kung mayroon mang may alam sa nangyayari, e wala nang pakialam kung anuman ang gawin dito sa stockroom.’’

Napatango si Brent. Na­isip niya, late nga siya sa ba­lita. Hindi na sinabi ni Brent, kay Mara na nakunan niya ng retrato ang pagtatalik nina Vivian at Oscar dito sa stockroom.

“O ngayong alam mo na ang lahat ng mga nangyayari rito sa stockroom, anong balak mo sa akin, Brent?’’ sabing nakangiti ni Mara at niyakap nang mahigpit si Brent.

“Ayaw kong gayahin ang ginagawa ni Vivian at Oscar. Delikado!’’

Pero mapilit si Mara at pinaghahalikan si Brent sa leeg.

“Lalo mo akong sinabik, Brent. Hindi ko malimutan ang ginawa mong kabangisan!’’

“Baka may pu­­masok dito, mahuli tayo.’’

“Wala akong paki!”

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with