^

True Confessions

Suklam (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Dahil nagulat ang panganay na anak sa nakitang ginagawa ng ina at lalaki sa banyo, nahatak niya ang pinto at lumikha ng ingay. Dahilan para sumilip ang kanyang nanay sa pinto at nakita siya. Wala siyang kaimik-imik. Para bang ipinako siya sa kinatatayuan. Tiningnan siya nang matalim ng kanyang nanay. Para bang ang tingin nito ay nagbababala na “huwag kang magsusumbong sa iyong tatay at tatamaan ka sa akin!”

“Biglang isinara ng kanyang nanay ang pinto ng banyo. Nagbalik siya sa kanilang kuwarto. Hanggang sa maramdaman niya na basa ang kanyang shorts. Napaihi pala siya sa shorts nang di niya nalalaman. Paano ang gagawin niya kapag nalaman ng kanyang nanay na napaihi siya sa shorts. Bahala na.

“Nang nakahiga na, hindi siya makatulog. Sa tuwing pipikit siya, ang larawan ng kanyang ina ang nakikita niya habang nakikipagtalik sa ibang lalaki. Malinaw na malinaw sa kanya ang ginagawa ng dalawa.

“At kanina, nalaman na ng kanyang nanay na bistado na ang ginagawa nila. At siya ang nakabisto. Ano kaya ang gagawin sa kanya ng nanay niya? Sasaktan kaya siya nito?

Hindi halos siya nakatulog dahil sa kaiisip sa problemang nilikha ng kanyang nanay.

(Itutuloy)

vuukle comment

BANYO

INGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with