^

True Confessions

Suklam (6)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“WALA pa si Franz, Tatay?’’ tanong ni Brent sa kanyang tatay na noon ay tutok na tutok sa panonood ng news sa TV. Parang nahihirapan na itong panooran ang kanilang lumang TV.

“Wala pa,’’ sagot ng ama. Si Franz ay kapatid niyang bunso. Nasa huling taon ng engineering.

Biglang naisip ni Brent na ibibili niya ng bagong TV ang kanyang tatay.

Nagsandok ng kanin si Brent pagkatapos ay nagsandok din ng ginisang re­polyo na nasa kawali. Ang pritong galunggong ay nasa mesa at may takip na bandehado.

Nagsimula siyang kumain.

Masarap ang ginisang repolyo at pritong GG. Sa­nay na sanay na ang kanyang tatay na magluto.

Nakadalawang cup siya ng kanin.

“’Tay masarap ang ginisang repolyo ah!’’

“Ha?’’ sagot

“Masarap ang repolyo. Nabusog ako.’’

“Ah.’’

Dinala ni Brent ang pinag­kainang bandehado sa lababo at hinugasan.

“Ilagay mo na lang yan at ako na ang maghuhugas. Inaabangan ko lang itong ba­lita,’’ sabi ng tatay niya at hindi inaalis ang tingin sa TV.

“Dalawang bandehado lang ito. Manood ka na lang diyan. Kayang-kaya ko na ito.’’

Hinugasan ni Brent ang plato.

Pagkatapos ay naupo sa silya na malapit sa kanyang tatay.

Hanggang sa marinig niya ang balita tungkol sa mag­kabit na nahuli ng asawa nito sa isang motel. May kasamang pulis ang mister nang mahuli sa motel.

“Ito yung inaabangan kong balita. Nahuli ng mis­ter ang asawa niya na mag­kasama sa motel. Kakahiya ito! Ayan o, kitang-kita ang mukha ng dalawa. Mas na­kakahiya ang babae! Si­gurado may mga anak yan. Kawawa naman ang mga anak. Balitang-balita na nahuli sa motel ang kanilang ina. Dapat yan, kinukulong na agad!’’

Walang imik si Brent.

Pinagmasdan lang niya ang kanyang tatay.

Hindi niya masisisi ang kanyang tatay kaya nagsalita ng ganun.

Ilang beses siyang bumuntunghininga.

Itutuloy

vuukle comment

NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with