^

True Confessions

Suklam (4)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAAAWA si Brent sa asawa ni Vivian na dinudumihan nito sa ulo. Walang kamalay-malay ang mister na habang narito sa opisina ay may ibang lalaking kumakalikot. Hindi kaya nakakahalata ang lalaki na tuwing Sabado ay narito si Vivian kahit hindi naman nag-oobertaym? Ano kaya ang sinasabing dahilan ni Vivian sa mister at nagagawang makapunta sa opisina kung Sabado. Mahinang klase kayang lalaki ang mister ni Vivian kaya dinudumihan sa ulo?

Napabuntunghininga si Brent. Hindi talaga siya makapaniwala sa natuklasang ginagawa nina Vivian at Oscar. At marahil nga ay matagal nang nangyayari ang ginagawa ng dalawa—siya na lamang ang hindi nakaalam. Posible iyon. Pero bakit hindi nabubuking?

Napailing-iling si Brent.

Muli nakadama siya ng awa sa asawa ni Vivian at pagkasuklam naman kay Vivian.

Ano kaya ang mabuti niyang gawin para maputol ang masamang ginagawa ng dalawa?

Sabihin kaya niya sa management o puntahan niya ang mister ni Vivian at isumbong ang ginagawa ng “makating” asawa?

Hindi kaya siya malagay sa alanganin?

O hayaan na lang niya?

ISANG araw nasalubong ni Brent si Vivian sa lobby. Galing ito sa HR.

“Hi Brent! Ang guwapo mo ah!’’ bati nito habang malagkit ang tingin sa kanya.

“Hindi naman, Vivian.’’

“Sayang!’’

“Anong sayang?’’

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with