Dioscora (242)
(Ang babaing hindi niya malilimutan)
“Alam ko, nakangisi nang palihim si Simon Pedro nang bumalik kami sa mansion. Kahit hindi ko nakikita, nahuhulaan kong nagbubunyi siya sapagkat siya rin ang nagtagumpay—siya rin ang nanalo.
“Pero hindi ko na binigyang pansin kung anuman ang kanyang iniisip o kung nagsasaya man siya dahil sa muli naming pagbabalik. Mas binigyan ko ng atensiyon ang nangyayari kay Nico na noon ay parang nauupos na kandila. Malaki na ang inihulog ng katawan. Gusto ko siyang ipagamot pero wala kaming pera dahil nabankarote ang aming itinayong negosyo. Wala akong perang gagamitin sa pagpapagamot.
“Kailangan ko pang magmakaawa kay Simon Pedro para dalhin sa mahusay na doktor si Nico. Tinapangan ko ang mukha para magmakaawang dalhin sa ospitalp ang aking asawa. Ayaw kong mamatay ang aking asawa. Mahal na mahal ko siya. Kung kailangang lumuhod ako sa harap ni Simon Pedro, gagawin ko para lamang maipagamot ang aking asawang si Nico.
“Alam ko masama ang loob ni Simon Pedro kay Nico dahil sinuway nito ang kagustuhan nang umalis kami sa bahay. At kung hindi ako magmamakaawa, palagay ko titiisin niya ang anak. Ganun kasama si Simon Pedro—kahit anak niya, matitiis niya.
“Pumayag si Simon Pedro na dalhin ko sa ospital si Nico. Isinailalim sa pagsusuri at natuklasang may cancer. Stage 4. Himala na lang.
“Pero sa kabila na ganun ang kalagayan ni Nico, ang pagnanasa sa akin ni Simon Pedro ay lalong nag-ulol. Parang asong hayok sa karne.
“Pinapasok ako sa banyo at pinagpaparausan. Umiiyak na lamang ako nang tahimik. Wala akong magawa…”
(Itutuloy)
- Latest