^

True Confessions

Dioscora (54)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAYROONG hihili­ngin­ sa atin si Mam Dioscora,’’ sabi ni JC kay Maria. “At hindi tayo ma­kakatanggi.’’

“Ano namang hihilingin niya?’’

“Basta ‘yan ang aking kutob.’’

“Ibig mong sabihin kaya niya tayo tinutulungan ay mayroon siyang ipagagawa sa atin?’’

“Parang ganun.’’

“Ako ang feel ko kaya niya tayo tinutulungan ay dahil nga tumatanaw siya ng utang na loob dahil sa ipinakita mong kabaitan nun. Ang pagtulong niya ay walang ibang kahulugan at hindi siya naghihintay ng kapalit. Basta tulong lang siya nang tulong.’’

“Sana nga ay mali ang kutob ko Maria.’’

“Hindi siya hihingi ng kapalit sa anumang binigay­ niya, Kuya, ‘yan ang nararamdaman ko kay Mam. Masaya siya kapag naka­katulong lalo na sa mga ka­tulad nating ulila na sa mga magulang. At alam mo Kuya, palagay ko nga ma­rami pang itutulong sa atin si Mam. Dama ko, napaka­rami pa niyang ipagkakaloob sa ating dalawa.’’

“Malulubog tayo sa kanya, Maria.’’

“Hayaan mo Kuya.’’

Hindi nagsalita si JC.

KINABUKASAN, maagang­ pumasok sa shop si JC. Wala si Kuya Dads kaya siya na naman ang acting boss. Mula nang maging eksperto siya sa pagkukumpuni ng car aircon at paglilinis nito, naging kampante si Kuya Dads at pinagkatiwalaan siya nang labis. Sabi nga sa kanya minsan ni Kuya Dads, maga­ling talaga kapag nag-aral ang isang tao. Inamin ni Kuya Dads na high school lang ang kanyang naabot at nag­­trabaho na sa talyer. Ma­dalas sabihin ni Kuya Dads kay JC na pagbutihin nito ang pag-aaral ng Mecha­nical Engineering. Dama ni JC na proud sa kanya si Kuya Dads dahil nag-aaral ito ng engineering­.

Nang dumating si JC sa shop ay nag-aabang na si Mulo sa kanya sa labas ng shop. Si JC ang nagbubukas ng shop. Na­kangiti si Mulo kay JC na mukhang may masayang sasabihin.

“Nakausap ko na si Mam Dioscora, JC!’’

“Kailan?’’

“Kahapon. Tinanong­ sa akin ang bahay mo.’’

“Ah.’’

Itutuloy

DIOSCORA

KINDNESS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with