^

True Confessions

Kaibigan (196)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ilang ulit pang tinawag ni Dex si Lara pero walang sagot. Nakiramdam si Dex. Bakit wala si Lara? Anong nangyari? Napahamak kaya si Lara? Mayroon kayang ibang tao na nakapasok dito sa room at mayroong ginawang masama kay Lara? Bakit walang suma­sagot?

Hindi maganda ang nang­yayaring ito?

Kasunod ay kinabahan si Dex.

Nang biglang sumara ang pinto. Parang may nagtulak para sumara. Sa lakas ng pagsara ay kuma­labog. Lalong kinabahan si Dex. Masama na ito! Maaring may ibang taong nakapasok at kung anong masama ang ginawa kay Lara.

Humanda si Dex. Kung tama ang mga nasasaisip niya, dapat maging alerto siya. Kung may ibang taong nakapasok, dapat maging handa siya sapagkat siya ang maaring isunod kay Lara.

Hindi siya magpapatalo sa sinumang nasa loob ng room na ito. Lalaban siya at ililigtas si Lara kahit ano ang mangyari.

Ipinasya niyang tawagin muli si Lara. Huling pagkakataon na kanyang gagawin.

“Lara! Sumagot ka! Anong nangyayari? Magbigay ka ng signs na okey ang kalagayan mo.’’

Nang biglang bumukas ang ilaw. Lumiwanag sa kabuuan ng room. May narinig siyang kaluskos sa may kama.

Tiningnan niya. Wala siyang nakita.

“Lara! Sumagot ka.’’

Nang bigla siyang makarinig ng bagsak ng tubig mula sa banyo. Parang shower. Mabilis niyang tinungo ang banyo.

Nagulat siya sa nakita.

(Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with