^

True Confessions

Kaibigan (98)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Baka maalikabok na ang loob ng kuwarto ay ma-allergy tayo,’’ sabi ni Tess.

‘‘May allergy ka ba?’’

‘‘Oo. Kapag maalika­bok, nangangati ang ilong ko at saka nagluluha ang mga mata ko. Sensitive ang ilong ko at mata sa alikabok.’’

‘‘Ganun ba? Sige linisan natin. Pero hula ko wala pang gaanong alikabok ang kuwarto dahil kalilinis ko rin lang.’’

‘‘Ako na lang ang mag­lilinis. Kayang-kaya ko ‘yan.’’

‘‘Tutulungan kita. Pagod ka na sa paggawa rito.’’

‘‘Hindi naman.’’

‘‘Ayaw kong napapagod ka.’’

‘‘Weee!’’

‘‘Kukunin ko lang ang susi.’’

Nang makuha ang susi at bubuksan na ni Dex ang kuwarto, nagtanong si Tess.

‘‘Ano bang laman ng kuwartong ‘yan?’’

‘‘Mga damit at mga personal na gamit ng kaibigan ko. Diyan sila tumira ng kan­yang misis.’’

‘‘Kaibigan? Sinong ka­ibigan?’’

‘‘Si King at asawang si Lara.’’

‘‘Lara? Di ba siya ‘yung ipinasok mo sa office natin — ’yung namatay ang asawa?’’

‘‘Oo. Matalik kong ka­ibigan ang mag-asawa. Dito ko sila pinatira. Parang kapatid na ang turing ko sa kanila.’’

‘‘Nasaan na si Lara?’’

‘‘Hindi ko alam. Wala na akong balita.’’

Binuksan ni Dex ang kuwarto. Binuhay ang ilaw.

‘‘Malinis pa di ba Tess? Walang alikabok.’’

Yumuko si Tess at kinuhit ang sahig.

‘‘Meron! Tingnan mo ang daliri ko—maputi.’’

‘‘Hindi naman gaano.’’

‘‘Pupunasan ko ang sahig.’’

(Itutuloy)

TESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with