^

True Confessions

Kaibigan (77)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Ako nga pala si Dex, Mina. Pa­sen­­siya ka na at naabala kita,’’ sabi ni Dex.

‘‘Okey lang. Halika pasok ka.’’

‘‘Salamat.’’

Pumasok si Dex. Ma­luwang ang salas. Kumpleto sa gamit. Pero parang nag-iisa si Mina.

‘‘Maupo ka.’’

Nang makaupo si Dex si Mina na ang nag-usisa sa kanya. Na­ka­upo rin si Mina.

‘‘Paano nga pala napunta sa iyo ang picture na ito?’’

Sinabi ni Dex na na­kuha niya picture sa ma­leta ng mag-asawa. Ikinuwento niya na matagal nanirahan sa bahay niya ang mag-asawa. Sinabi niya kung bakit ganun na lamang ang pagnanais niyang makita si Lara ay dahil sa paki­usap ni King nung nabubuhay pa ito.

‘‘Biyuda na si Lara?’’

‘‘Oo. Umalis siya sa bahay at sabi uuwi sa Nagcarlan pero wala siya roon.’’

‘‘A kaya naisip mo baka alam ko ang kina­­roroonan niya.’’

“Oo.’’

“Sorry Dex, pero ma­­tagal na kaming wa­­­lang communication­. Gaya nang sabi ko sa’yo hindi kami ga­a­nong closed. Kasi, ang mama niya, mata­pobre.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with