^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Mukhang magpipilit silang pumasok, Kuya. Baka nalaman nila na may tao rito kaya pursigido,’’ sabi ni Tikoy kay Drew habang nakasilip sa maliit na siwang sa bintana.

‘‘Mabuti pa kaya ay bumalik ka na rito sa May­nila, Tikoy. Bukas na bukas din.’’

‘‘Paano naman ang kabuhayan natin dito, Kuya? Kailangang anihin ang palay at koprasin ang niyog.’’

‘‘Mas mahalaga ang buhay, Tikoy. Puwede uli tayong magtanim pero ang buhay, hindi na ‘yan ma­ibabalik. Umuwi ka na rito bukas. Mas safe tayo rito.’’

‘‘Sige Kuya.’’

‘‘Nakikita mo pa ba ang mga taong umaaligid diyan?’’

‘‘Oo Kuya. Nasa may gate pa sila at nakasul­yap dito sa farmhouse. Pa­ki­­ramdam ko, gustong pumasok para makatiyak kung may tao.’’

‘‘Kapag nagpumilit, tumakas ka na. Dun ka sa likod dumaan — dun sa ginawa nating sekretong daan palabas.’’

‘‘Oo, Kuya.’’

‘‘Hindi titigil ang mga ‘yan hangga’t walang naire­report kay Mr. C. Tiyak na gagawan ng paraan para ka mapiga at sabihin kung nasaan si Marianne.’’

‘‘Hindi nila ako mapipiga Kuya dahil lalaban ako. Hindi ako basta-basta pahuhuli sa mga ito.’’

‘‘Mag-ingat ka Tikoy dahil ang mga bodyguard daw ni Mr. C ay mga dating nadismis na pulis at sundalo. Kaya sanay pumatay ang mga ‘yan. Baka paghindi ka sumunod sa kanila ay barilin ka na lang at itapon sa ilog pagkatapos.’’

‘‘Mag-iingat ako Kuya. Sa lihim na daan ako pupuslit kapag gipitan na.’’

‘‘Sige, hihintayin kita rito.’’

‘‘Sige Kuya.’’

Pagkatapos nilang mag-usap, nakita ni Tikoy na su­mampa sa gate ang mga lalaki. Muk­hang papasukin na ang farmhouse.

Kinuha ni Tikoy ang kahoy na Batino. Gagamitin niya ito kapag nagpumilit pumasok ang tatlo. Lalaban siya! Hindi siya basta-basta susuko sa mga ito!

(Itutuloy)

vuukle comment

KUYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with