^

True Confessions

Huling Eba Sa Paraiso (63)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Next week, may pupuntang doktor dito para i-check up si Lola Ela. Ang unang plano, ang pinsan kong lalaki ang kasama ng doktor sa pagpunta rito, pero dahil nabisto mo na ang pagtulong ko, kasama na ako next week. Sana narito ka para makita mo ang gagawing pag-checkup kay Lola,’’ sabi ni Drew kay Marianne.

“Narito ako. Hindi ako aalis para kay Lola.’’

“Hindi ka magdedeliber ng pako sa bayan?’’

“Hindi!’’

At saka makahulugang tumingin kay Drew.

Maya-maya ay nagtanong.

“Ano ang mga naikuwento sa’yo ni Lola ukol sa pagdedeliber ko ng pako sa restaurant sa bayan?’’

“Sabi ni Lola, maaga ka raw umaalis para magdeliber. Sinabi rin na pag-uwi mo ay pagod na pagod ka at naaawa siya sa iyo. Kaya nga raw gusto na niyang maoperahan siya para makakita at nang matulungan ka sa paghahanapbuhay.’’

‘‘Sabi ko kay Lola, kahit na makakita siya, hindi na siya magtatrabaho. Dito na lang siya. Ako lahat ang gagawa ng paraan para kami mabuhay.’’

‘‘Sabi nga pala ni Lola, pangarap mo raw na ipagpagawa siya ng bahay kapag nakatapos ka ng kolehiyo.’’

‘‘Oo. Nung hindi pa namamatay si Lolo, pina­ngako ko na sa kanila ‘yun. Pero hindi na natupad dahil napatigil sa schooling.’’

‘‘Matutupad ang pangarap mo Marianne.’’

‘‘Sana.’’

Nagpaalam na si Drew.

‘‘Babalik ako rito Mariannne.’’

“Hihintayin ka namin ni Lola.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with