^

True Confessions

Monay (162)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Maraming taon na ang lumipas mula nang huli silang magkita ni Monay at siguro, ang espes­yal na damdamin na iniukol nito sa kanya ay wala na. Na­laho na iyon sa pag­lipas ng mga taon.

Naisip ni Joem, nagbabago ang damdamin. Ang nadamang pagkagusto ni Monay sa kanya ay hindi naman masasabing pag-ibig. Mga high school pa sila noon na nagsisimulang sumibol ang sinasabing “crush”. Normal ang crush sa panahon ng high school. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nawawala ang pagka-crush. Kaya tiyak niya na ang sinasabi ni Monay na pagkagusto sa kanya noong nasa high school sila ay lusaw na. Wala na ang damdaming iyon. Masarap­ na lamang gunitain iyon sa alaala. Masarap balikan­ ang alaala nila noong high school.

Ipinagpatuloy ni Joem ang pagbabasa sa sulat ng asawang si Cath na may ka­ugnayan pa rin kay Monay.

At hindi niya inaasahan ang mga nilahad ni Cath sa sulat. Hindi siya makapaniwala.

‘‘Hinihintay ka pala talaga ni Monay. Kung nagtapat ka raw ng pag-ibig kay Monay noong nasa high school pa kayo, sinagot ka raw niya. Pero wala ka raw sinasabi. Wala ka raw param­dam. Pero sabi sa akin ni Monay, siguro raw ay nahihiya ka lang. Sabi pa ni Monay, baka naapektuhan ng mga nang­yaring trahedya sa iyong buhay kaya ka naging mahiyain at dungo lalo na sa pagpapahayag ng dam­da­min sa babae.

‘‘Pero handa raw siyang maghintay. Kaya niyang hintayin ang sandaling mag­karoon ka ng lakas na magtapat sa kanya. Sabi ni Monay, malakas daw ang paniwala niya na sa dakong huli ay magkikita uli kayo at sa pagkakataong iyon ay matutupad na ang kanyang dalangin na magkatuluyan kayo.

“Hindi pa rin daw sinasara ni Monay ang kanyang damdamin sa lala­king pinag-ukulan niya ng pag-ibig noon. Wish nga niya na pag-uwi sa Pilipinas ay makita ang lala­king unang nagpatibok ng kanyang puso…ikaw iyon Joem.”  (Itutuloy)

CATH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with