^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Baka magtanong si Mama kung ano kita? At bakit kita kasama?’’

“E di sabihin mong friend mo ako. Nakatira sa se­cond floor.’’

Nag-isip si Gab.

Huminga.

“Kasi’y alam mo na ang mga ina, advance mag-isip. Baka isipin na dyowa kita. Ayaw kong mag-iisip siya ng ganun. ‘Di ba nasabi ko sa iyo na dumanas siya de­pression. Baka mag-isip na naman kapag nakitang may kasama ako at – lalaki pa.’’

Napatangu-tango si Dado, Naunawaan niya si Gab kung bakit ayaw siyang isama.

“Sige Gab, baka nga makadagdag sa isipin ng mama mo. Hindi na lang ako sasama.’’

“Masama ang loob mo?’’

“Hindi. Naunawaan kita.’’

Hindi nagsalita si Gab. Tumingin ito sa labas ng jeepney. Malapit na sila sa Gov. Forbes. Malapit nang bumaba si Gab.

‘‘Sige na nga isama na kita, Dads. Siguro naman ay hindi mag-iisip nang masama si Mama kapag nakitang mag­kasama tayo. Hindi ka naman mukhang palikero...’’

Napahagikgik si Dads.

‘‘Mukha ba akong santo?’’

‘‘Oo. Mukha kang pari. Siguro naman e magiging okey ka kay Mama.’’

“Ano ba ang paboritong­ isuot ng mama mo? Mapa­salubungan para hindi ako pag-isipan nang masama.’’

“Huwag na Dads.’’

“A basta bibili ako ng pasalubong sa kanya. Ano ba ang itsura ng mama mo. Siguro maganda rin na gaya mo?’’

“Kamukha ko siya.’’

“May naisip na ako para sa kanya.’’

“Huwag na Dads. Kaka­hiya naman sa’yo.’’

“Basta pasasalubungan ko siya.’’

Huminga si Gab.

“Sabihin mo sa akin kung kailan tayo aalis para makapaghanda ako.’’

Tumango si Gab.

Tumawid na ang jeepney sa Forbes at pagsapit sa UST, bumaba na si Gab.

“Bye Dads.’’

Inalalayan ito ni Dado sa pagbaba.

(Itutuloy)

DADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with