^

True Confessions

Alupihan (182)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Napaatras si Cris nang makitang na­liligo si Hani sa banyo. Walang anumang saplot si Hani habang nakatapat sa shower.

Nakakahiya kay Hani. Bigla na lamang niyang itinulak ang pinto at hindi man lang kumatok. Medyo inaantok pa kasi siya at nagmamadali para makapagligo. Meron siyang kakausaping tao kaya dapat siyang umalis nang maaga.

Hindi niya akalain na maaga rin palang bumangon si Hani para maligo.

Hihingi siya ng sorry paglabas ni Hani. Baka kasi isipin ni Hani na sinisilipan niya.

Maya-maya pa, nari­nig niya ang pagbubukas ng pinto ng banyo. Tapos nang maligo si Hani.

Nakita niya ang pag­labas ni Hani. Tinawag niya at humingi ng pa­umanhin.

“Sorry Hani, akala ko walang tao. Nagmamadali kasi ako para makaligo dahil may lakad ako ngayong umaga.’’

“Okey lang Kuya. Hindi kasi ako nagsasara ng pinto dahil mahirap na habang nasa loob. Isang kasamahan ko sa trabaho ang nasa banyo nang ma-stroke. Ini-lock niya ang pinto at kaila­ngan pang wasakin. Hindi na nailigtas ang buhay ng kasamahan ko.’’

Napangiti at napata­ngo-tango si Cris.

‘‘Magandang tip yan. Huwag magsa­sara ng pinto ng banyo habang naliligo.’’

“Oo Kuya. Tama ‘yan.’’

“Sige Hani Sorry uli.’’

Napangiti lang si Hani.

ISANG gabi, nagbabasa ng libro si Cris nang kumatok si Hani. Binuksan niya.

‘‘O Hani…’’

“Kuya eto na ang suman mo!’’ (Itutuloy)

CRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with