^

True Confessions

Damo sa Pilapil (64)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI maintindihan ni Zac ang sarili. Ano ba ang na­ra­ramdaman niya kay Mam Dulce at bakit ganito na lamang ang kanyang nara­ramdamang inis kapag dumadalaw si Bogs. Hindi siya mapalagay. Pakiramdam niya, may masamang gagawin si Bogs kay Mam Dulce habang nasa salas. Hindi siya nagtitiwala kay Bogs na sa tingin niya ay “dirty old man”. Ang pakikipagkaibigan nito kay Mam Dulce ay may nakatagong pagnanasa. Ganun ang nararamdaman niya kaya lagi siyang nakasubaybay sa dalawa. Kung mayroong gagawing “hindi maganda” si Bogs kay Mam ay handa siyang sumaklolo.

Pero sa tingin naman niya ay tiwalang-tiwala si Mam kay Bogs. Kahit nga dikit nang dikit si Bogs at halos lumapat na ang braso sa boobs ni Mam ay parang okey lang dito. Parang walang nararamdamang panganib si Mam kay Bogs. At bigay na bigay pa ito sa pagtawa sa mga pagbibiro ni Bogs. Baka nga may pagtingin din si Mam kay Bogs kaya ganun na lamang ang pagtitiwala. Kung may pagtitiwala, kahit ano siguro ang gawin ni Bogs ay papayag si Mam. Sabagay, biyuda na si Mam pero ang kuwestiyon ay si Bogs. Biyudo rin ba ito o may asawa. Baka ang kalabasan ay maging kabit lang siya ni Bogs. Baka gawin lang siyang parausan ni Bogs. Puwede pa naman sa tingin niya si Mam kahit 60-anyos na. Maganda pa rin ang katawan at walang bilbil. Slim na slim. Malambot ang katawan dahil ilang beses na rin niyang inalalayan ito sa paghiga noong masakit ang ulo dahil sa migraine.

Napahinga nang malalim si Zac sa kanyang mga kakatwang iniisip ukol kina Mam at Bogs. Kung tama ang kanyang mga iniisip, wala na siyang magagawa. Kung may pagtingin si Mam kay Bogs, e di sumige siya. Wala namang pumipigil sa kanya. Siya lamang ang makakapagpasya para sa sarili niya.

At naisip ni Zac na dapat ay magpursigi pa siya sa pag-aaral para maging titulado. Kapag tapos na siya sa pag-aaral, hindi na siya tatawaging ‘‘boy’’ ni Bogs. Akala siguro ng Bogs na ‘yun ay hindi siya nag-aaral. Ipakikita niya rito na hindi siya isang “boy” lamang. Kailangang makatapos siya na may karangalan. At kapag nakatapos siya, magtatrabaho siya sa isang malaking kompanya na malaki ang suweldo. Lalakihan pa niya ang suweldo ng Bogs na iyon.

(Itutuloy)

DAMO SA PILAPIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with