^

True Confessions

Damo sa Pilapil (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI inaalis ni Zac ang pagkakatitig sa natutulog na si Mam Dulce. Napanatili nito ang ganda kahit may edad na. Sabi ni Manang Cion sa kanya ay baka 60-anyos na si Mam. Pero sa pagkakatingin niya ay hindi ito 60. Mas bata itong tingnan. Parang 50 o 55 lang sa tingin niya si Mam Dulce.

Siguro’y dahil na­alagaan ni Mam ang sarili. Ang pag-aalaga sa sarili ay nakakatulong para mapanatili ang kasariwaan. At napansin niya na simple lamang kung magpaganda si Mam. Kaunting make-up at lipstick lang ang nakikita niya rito. Ang pagiging simple ay malaki ang naitutulong sa babae para magmukhang kaiga-igaya sa paningin.

At natitiyak niyang hindi nahihikayat si Mam ng mga kasing-edad niya na ilang beses nang nagpaparetoke ng mukha at nagpapadagdag ng dibdib at puwet. Pawang orihinal pa ang nakikita niya sa kaanyuan ni Mam. Walang retoke at hindi pa nakakatikim ng iniksiyong pangsipsip ng taba ang katawan nito.

Ang hindi lamang niya maunawaan ay ang laging nararanasan­ ni Mam na pananakit ng ulo na sabi niya ay migraine daw. Kapag inatake ng migraine ay para raw malalaglag ang ulo at kung minsan ay pati ang mga mata sa sobrang sakit. Migraine nga kaya yun? Naiisip niya. Baka cancer at hindi migraine. At sa tuwing sasabihin niya na bakit hindi magpadoktor ay ang sinasagot ay mawawala rin daw. Ipapahinga lang daw at mawawala na. Pero ngayon ay tila matagal bago ma­wala ang sakit ng ulo niya. Baka nga hindi na migraine? Maraming da­hilan ang pagsakit ng ulo. Baka nga cancer. Huwag naman po, Diyos ko. Kakaawa naman si Mam. Kawawa rin siya kung ganun nga ang sakit ni Mam. Wala nang tutulong sa kanya…

Pinagmasdan muli niya si Mam Dulce. Tulog na tulog pa rin ito. Masarap na ang tulog. Baka nga kulang lang sa pahinga. Siguro nga ay dapat magbakasyon para makapagpahinga nang ayos. Sobrang pagod na ang nararanasan siguro dahil sa kanyang trabaho. Kung minsan ay isang linggong nawawala dahil dumadalo sa kung anu-anong conferences.

Mas maganda nga kung makakapagbakasyon si Mam sa kanilang probinsya. Dadalhin niya ito sa Encarnado Beach para makita ang ganda ng tanawin doon. Higit pa sa Boracay ang ganda ng Encarnado Beach dahil puti rin ang buhangin. Asul na asul ang dagat. Masarap mamasyal sa tabing dagat.

Hindi namamalayan ni Zac na bumabagsak na ang talukap ng kanyang mga mata. Parang dinuduyan siya sa antok.

Hanggang sa tulu­yan na siyang talunin ng grabeng antok. Nasa kandungan pa niya ang laptop at hindi na na­isara.

“Zac! Zac!’’

Ang mga tawag na iyon ang gumising sa kanya. Si Mam Dulce!

Pupungas-pungas siya.

“Mam? Bakit po Mam?’’

“Matulog ka na sa kuwarto mo. Okey na ako.’’

“Baka kailanganin mo ako, Mam.’’

“Okey na ako. Sige na. Sa kuwarto mo na ikaw matulog.’’

Tumayo si Zac at humakbang palabas. Pero bago makalabas ng room ay tinawag ni Mam.

“Zac!’’        (Itutuloy)

ZAC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with