^

True Confessions

Salome (156)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IPAPLANO niya ang pagganti kina Mam Pilar at Jeffrey. Hindi ngayon. Kailangan ay masakit na ganti ang ipalasap niya sa mga ito. Yung ganti na animo’y inihulog sila sa impiyerno. Yung halos pati buto nila ay tupok na tupok at hindi na makilala!

Susunugin niya ang dalawa! Itataon niya na nasa kasarapan ng pagtatalik ay saka niya sa-sabuyan ng gas ang kuwartong pinagdadausan ng kasalanan. Tiyak na masusunog sila sapagkat hindi na sila makakalabas ng kuwarto. Ikakandado niya ang pinto para hindi makalabas. Para silang mga daga na hindi malaman kung saan susuling. Kahit anong gawin nila ay hindi sila makakalabas.

Siyempre, matutupok ang bahay na ito. Ano bang pakialam niya kung matupok na ito. Wala na siyang pangarap pa dahil sinira na ni Pilar. Hayaan na niyang matupok ang bahay na ito na naging saksi sa katak-silan nina Pilar at Jeffrey.

Ang plano niya: Bibili siya ng isang litrong gas. Ihahanda na niya iyon. Tama na ang isang litro para masunog ang bahay na ito. Kapag natiyak niyang nagtatalik na ang dalawa, sasabu-yan niya ng gas ang palibot ng kuwarto. At saka niya sisindihan. Kakalat ang apoy hanggang sa lamunin ang kuwarto at ang buong bahay. Hanggang sa maubos ang buong bahay. Solb ang problema. Tapos na ang mga dalahin niya sa buhay.

Kung ang una niyang plano ang susundin, kung saan babarilin niya ang dalawa habang nagtatalik, maaaring makaligtas pa ang mga ito. Hindi naman siya sharpshooter para masigurong matatamaan ang mga taksil. Kung susunugin niya ang mga ito, 100 per cent ay hindi makakaligtas ang mga ito. Bagsak agad ang mga ito sa lungga ni Satanas. Dalawang kamay na tatanggapin sila ni Satanas.

Napangiti si Sir Hector sa naisip niyang plano nang pagganti kina Pilar at Jeffrey. Humanda kayo!

ISANG hapon na naliligo si Amy, nagulat siya nang biglang pumasok si Jeffrey sa banyo. Kung bakit nalimutan niyang i-lock ang pinto.

“Jeffrey!’’

“Para kang nakakita ng multo! Alam ko namang hinihintay mo rin ako.’’

“Huwag!’’

“Anong huwag? Ka- pag hindi mo ako pinagbigyan, masama ang mang­yayari sa’yo.’’

“Maawa ka Jeffrey.’’

“Hindi naman kita papatayin kundi paliligayahin di ba. Huwag kang magmakaawa, Amy. Di ba may usapan na tayo na patikimin mo lang ako, hindi kita isusumbong kay Pilar. Sige na, sawang-sawa na kasi ako kay Pilar. Amoy lupa na! Gusto ko nama’y bata-bata at sariwa.’’

Tulala si Amy. Hindi siya makakilos sa pagkakatayo.

Sinimulan siyang hawakan ni Jeffrey.

(Itutuloy)

NAPUSILAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with