^

True Confessions

Black Window (115)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI n’yo akalaing darating ako ano?’’ sabi ni Jam at naupo sa tabi ni Jose. Wala namang masabi si Marie sa pagkakataong iyon. Bakit parang alam ni Jam na narito si Jose? O nagkataon lang ang lahat.

Nakabawi si Marie sa pagkabigla.

‘‘Oo nga, hindi ko akalaing darating ka. Sana tumawag ka o nag-text man lang.’’

“E di hindi na sorpresa. Talagang sinadya kong huwag sabihin sa iyo para magulat ka, ha-ha-ha!’’

‘‘E hindi man lang ako nakapaghanda.’’

“O e kaninong pagkain ang nakapatong sa mesa?’’ tanong ni Jam habang nakatingin sa mesa. Tanaw mula sa kinaroroonan nila ang mesang kinalalagyan ng pagkain na dala ni Jose. Nalimutan ni Marie na may mga pagkain nga palang dala si Jose.

Sinabi ni Marie na dala ni Jose ang mga iyon.

‘‘Aba at itong Jose na ito pala ang may dala. Birthday mo Jose?’’

“Hindi. Nag-top kasi ang anak kong si Iya sa school. Nakaisip akong magdala rito. Magkaklase si Iya at ang anak ni Marie.’’

“Ah kaya ka pala narito.’’

“Yes. Dinala ko lang ang mga pagkain. Paalis na rin ako.’’

Nakatingin lang si Marie. Hanga siya kay Jose sa bilis umisip ng paraan. Pero bakit nga ba sila maglilihim kay Jam. Ano ang dahilan at kailangang itago?

‘‘O kung kailan ako narito saka ka naman aalis.’’

“Kasi’y walang kasama sa bahay si Iya.’’

‘‘Mamaya ka na umalis. Marie pigilan mo itong kaibigan natin. Masyadong OA na ‘to.’’

Ngumiti lamang si Ma-rie pero sa isip niya, gusto na nga niyang umalis si Jose at baka kung ano na naman ang gawin ni Jam. Kinakabahan na naman siya sa ikinikilos ni Jam.

‘‘Ba’t ka nga pala nag-tu­ngo rito Jam?’’ tanong ni Marie.

‘‘Susorpresahin nga sana kita kaso ako ang nasorpresa n’yo.’’

“Akala ko mayroon kang sasabihin na mahalaga.’’

“Wala.’’

“E di ang mabuti pa, k­a­inin na natin ang dala ni Jose.’’

“Oo nga. Kainin na natin,” sabi ni Jose.

‘‘Pero huwag ka namang aalis agad Jose,’’ sabi ni Jam. ‘‘Magkuwentuhan pa tayo nina Marie. Itong si Marie marami  itong hindi alam.’’

Natigilan si Marie pero hindi nagpahalata. Si Jose ay nakatingin lang kay Marie. Dismayado ang mukha niya.

Dahil sa pagdating ni Jam, hindi matutuloy ang balak nilang pagtatapat kay Pau ng relasyon nila ni Marie. Mayroon na namang hadlang. (Itutuloy)

ACIRC

ANG

HINDI

IYA

JAM

JOSE

MARIE

NGA

OO

PERO

SI JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with