^

True Confessions

Black Widow (102)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANLILIIT si Marie habang nakikita ang ginagawa ni Jam kay Jose na idinidikit nang husto ang katawan. Ano ba itong ginagawa ni Marie at tila nauulit ang nangyari noong gabing mala­sing ito. Hindi naman lasing ngayon pero matindi na naman ang ginagawang panghaharot o panglalandi kay Jose.

Nakakahiya sa mga nakakakita. Hinanap ni Marie sina Pau at Iya. Mabuti at malayo ang dalawang bata at hindi napapansin ang ginagawa ni Jam kay Jose. Baka isipin ng mga bata na may namamagitan na sa dalawa.

Napahinga si Marie. Bakit ganito si Jam? Akala niya, hindi na kikilos nang masagwa.

Maya-maya umahon si Jose at nagtungo sa kanya. Na­upo sa tabi niya.

“Ayaw mong maligo?’’

“Takot ako sa tubig. Lalo na kapag umaalon. Parang tatangayin ako.’’

“Tingnan mo si Jam.’’

“Sanay siya sa tubig at marunong lumangoy ako hindi.’’

“Kaya lang medyo makulit, he-he. Kaya nga umahon na ako.’’

Hindi na nagsalita si Marie. Nagpakiramdaman lamang sila. Si Jam ay patuloy sa pagtungo sa malalim na bahagi at lumalangoy.

ILANG araw makaraang makabalik sa Maynila, niyaya ni Jose si Marie na mag-dinner sila.

“Bakit mo ako niyaya rito? Parang may sasabihin ka. Ano yun?’’

“Hindi mo ba nahahalata na mahal kita?’’

Napanganga si Marie. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

AYAW

BAKIT

HINANAP

HINDI

ITUTULOY

KAYA

MARIE

SI JAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with