^

True Confessions

Black Widow (86)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDE pah akoh la­shing­, Marie,” sabi ni Jam.

“Anong hindi e salasalabid na ang dila mo. Tama na ang pag-inom mo, akina ang baso mo.’’

“Isah nah lang! Isah nah lang! Tagahyan mo akoh, Jose.’’

Hindi naawat ni Marie ang kaibigan.

Sinalinan ni Jose ang baso ni Jam. Iniabot kay Jam.

“Hindih pah ako lashing di ba Jose?’’

Tumango si Jose.

“Oh dih bah. Mabutih pah si Jose, naniniwalang hindih pa ako lashing. Sabayan moh akoh Jose. Inom ka pah rin. Sigeh na.’’

Si Marie ay tila nanli­liit sa inaasal ng kaibi­gan. Ganito pala ito kapag nalalasing. Matabil. Ma­ingay. Paano kaya natutong uminom ang babaing ito. Noon ang alam niya ay hindi ito kailanman umiinom ng alak. Dahil kaya sa problema?

“Sige na Jose, sabay tayong uminom. Last nah itoh, sige na Jose.’’

Pinagbigyan ni Jose si Jam. Sinalinan ang baso niya.

“Cheers!’’ Sabi ni Jam.

“Cheers!” Sabi naman ni Jose at sabay silang uminom.

Nakatingin lamang si Marie. Nag-aalala siya kay Jam. Lasing na ito. Paano nila iiwan? Hindi puwedeng nag-iisa ang ganitong senglot. Delikado. Tiyak na mahihim­bing ito sa kalasingan. Baka may makapasok na magnanakaw o baka magkasunog.

“Alam moh Jose, ang pogi moh?’’ sabi ni Jam at idinikit ang pisngi sa mukha ni Jose.

Hindi mapakali si Marie. Ano itong inaakto ni Jam.

“Pa-kiss ngah Jose!’’ sabi pa ni Jam at inilapit ang bibig kay Jose. Si Jose naman ay walang kakibu-kibo.

Lalo nang hindi mapakali si Marie. Kakahiya ang ginagawa ni Jam.

(Itutuloy)

ACIRC

ALAM

ANG

ISAH

JAM

JOSE

PAANO

SABI

SI JOSE

SI MARIE

SINALINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with