^

True Confessions

Black Widow (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG beses nang na-meet ni Marie ang da­ting asawa ni Jam na si Pete. Christmas party sa office nila. Isinama ito ni Jam. Bagama’t hindi sila gaanong nagkakuwentuhan noon, para na ring matagal na silang magkakilala dahil nga magkaibigan silang matalik ni Jam.

Ngayong kaharap na niya si Pete, agad nga niyang sinabi ang pakay kung bakit nagtungo rito.

“Ako ang nakikiusap Pete, payagan mo na si Jam na makita ang da­lawa ninyong anak. Kahit masilip lang daw ni Jam ang mga ito ay okey na sa kanya.’’

Hindi makapagsalita si Pete. Nakatingin lang kay Marie.

“Please, Pete. Naa­awa kasi ako kay Jam. Pa­rang dala ko na rin ang problema niya kapag umiiyak sa akin.’’

“Napakabait mong ka­ibigan, Marie,” mara­hang sabi ni Pete. “Nga­yon lang ako nakakita ng ka­ibigang sobra kung magmahal.’’

“Matagal na kaming magkaibigan Pete. Parang kapatid ko na nga siya.’’

“Ano ba ang kuwento niya sa’yo at nagkaganito kami. Ano ba ang pagkaalam mo at humantong ito sa ganito?’’

Napamaang si Marie. Pero makaraan ang ilang saglit, sinagot si Pete.

“Sabi niya, nagkaroon ka ng babae. Nahuli raw niya ang mga messages ng babae sa cell phone.’’

“Totoo yun, Marie. Pero sinabi ba niya kung bakit ko nagawa iyon?’’

“Hindi. Basta ang sabi niya, nabisto ang pakiki­pagrelasyon mo sa ibang babae. Nang kumprontahin ka, inamin mo raw agad.’’

Napatangu-tango si Pete at saka napahinga nang malalim.

Nang magsalita ito ay lalong seryoso.

“Marami ka pang hindi alam sa kaibigan mo, Marie. Napakarami mo pang hindi nalalaman.’’

Nakamaang si Marie.

“Anong ibig mong sa­bihin, Pete?’’

“Mas nauna siyang nagtaksil, Marie…”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

ANONG

BAGAMA

MARIE

NANG

NIYA

PERO

PETE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with