^

True Confessions

Black Widow (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, maagang sumundo si Marie sa anak na si Pau. Pero talagang ina­gahan niya ang pagtungo roon para makapagkuwentuhan sila nang matagal ni Jose. Bitin ang pagkukuwentuhan nila ka­hapon. Marami siyang gustong malaman kay Jose. Kung bakit ay hindi niya alam. Basta gusto niyang may mahukay pa sa buhay ni Jose. Napangiti si Marie.

Nagulat si Marie nang dumating sa school sapagkat naroon na si Jose. Nakaupo na ito sa dati nilang inupuan kahapon.

Nakita na siya ni Jose. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

“Ang aga mo Jose,” sabi ni Marie at naupo sa tabi nito.

“Para marami tayong ma­pagkuwentuhan, Marie.’’

“Oo nga. Marami pa akong hindi naitatanong sa’yo.’’
“Ako rin. Kaunti pa lang ang nalalaman ko ukol sa’yo.’’

“Para pala tayong mga NBI na mag-iimbestiga sa bawat isa.’’

Nagtawanan sila.

“Saan ka nga pala nagta­trabaho Marie?’’

“Sa isang kompanya na gumagawa ng beauty pro­ducts. Sa opisina ako.’’

“Kaya pala maganda ka.’’

“Thanks. Ikaw saan ka naman nag-work?”

“Sa kompanya ng gatas. Yung pang infant milk. Sa office din ako.’’

“Kaya pala mukha kang bata--- batang isip, he-he-he! Joke!’’

Nagtawanan sila.

“Sinong kasama n’yo ni Iya sa bahay? Kayong da­lawa lang?’’ Tanong ni Marie. Saka naisip niya bakit ba iyon ang naitanong niya.

“Kaming dalawa lang ni Iya,” sagot ni Jose. “Ma­lungkot nga kung dadalawa…’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BITIN

IKAW

IYA

JOSE

KAYA

MARAMI

MARIE

NAGTAWANAN

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with