^

True Confessions

Black Widow (47)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANO bang sabi ng Papa mo, Iya?’’ Tanong ni Pau.

Pinahid ni Iya ang luha sa pisngi bago sumagot. “Susunduin niya ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit wala pa.’’

“Hindi kaya nalimutan niya?’’

“Hindi ko alam Pau.’’

“Alam mo bang number sa inyo o cell phone ng Daddy mo?’’

“Hindi ko alam.’’

“Paano ‘yan?’’

Humikbi si Iya.

“Pero alam mo kung paano uuwi?’’

“Alam ko ang sa amin pero hindi ako marunong mag-isa.’’

Napatangu-tango si Pau bilang pagsang-ayon.

Si Marie naman ay nakatingin lang at nakikinig sa usapan ng dalawa. Pero may naiisip na siyang paraan para kay Iya sakali’t hindi nga dumating ang daddy nito.

Hinayaan niya ang dalawa na mag-usap. Mukha namang magkasundo ang dalawa kahit na hindi magka-section. Nasa higher section si Iya.

“Baka naman na-late lang ang daddy mo, Iya. Malay mo, maya-maya ay dumating ito.’’

“Hindi siya nali-late nang dating, Pau. Maaga siyang dumarating dito gaya ng mama mo.’’

“Talaga?’’

“Oo. Ayaw daw kasi niyang naghihintay ako.’’

“Bakit kaya wala pa ang daddy mo. Kung sana alam mo number niya, patatawagan ko kay Mama.’’

“Hindi ko nga alam, Pau.’’

Nag-isip si Pau. Maya-maya may sinabi.

“Gusto mo ihatid ka namin ni Mama?’’

“Puwede?’’

“Sasabihin ko kay Mama.’’

Binalingan ni Pau ang ina.

“’Ma, ihatid natin si Iya. Kawawa naman. Baka hindi na siya susunduin.’’

Tumango si Marie. Iyon naman ang talagang balak niya. Ewan kung bakit iyon ang naisip niya?

(Itutuloy)

ACIRC

ALAM

ANG

AYAW

BAKIT

BINALINGAN

HINDI

IYA

PAU

PERO

SI MARIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with