^

True Confessions

Black Widow (11)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT si Marie nang mabasa ang artikulo sa pinuntahang website “The Meaning of Moles in the Body” ni Simona Rich. Maganda ang sinasabi sa nunal na nasa pusod: This mole indicates your capacity to achieve great wealth. If it touches your navel, it means that you will become extremely wealthy.

Malayung-malayo sa iniisip niyang ang nunal sa kanyang pusod ay may kaugnayan sa kanyang pagiging mabiyudahin. Magiging mayaman daw siya ayon sa artikulo. Suwerte raw ang nunal na nasa mismong pusod. Pero bakit kaya hindi pa siya mayaman? Isa pa rin siyang empleada at ngayon nga ay nabiyuda pa na solong nagpapalaki sa kanyang anak na babae.

Napahinga si Marie. Malalim ang hinugot. Ganunman, nakapagpaluwag na malamang walang kaugnayan ang nunal sa kanyang pagi-ging mabiyudahin. Nasisiyahan na siya.

Hindi naman niya natiis na hindi ikuwento kay Jam ang kanyang nunal sa pusod. Baka may masabi si Jam ukol sa sinasabi ng nunal sa pusod. Baka bukod sa sinasabi sa artikulo sa internet ay mayroon pa palang nalalaman ang kaibigan.

“May sasabihin ako sa’yo Jam pero huwag mong ipag-iingay ha? Tayong dalawa lang please,’’ sabi niya rito habang nasa canteen sila.

“Nanalo ka sa lotto?’’

“Hindi!’’

“Ano?’’

“May nunal ako sa pusod.”

Muntik nang mahirinan si Jam ng cake na kinakain.

“Ano ba naman ‘yan, Marie? May nunal ka sa pusod?’’

“Huwag kang maingay.”

“Baka naman hindi nunal. Baka libag?’’

“Nunal nga, bruha.’’

“Naku, ang alam kong may nunal sa pusod ay ….’’

“Ano Jam?’’

Inilapit ni Jam ang bibig sa taynga ni Marie. May ibinulong.

Gulat na gulat si Marie makaraang marinig ang sinabi ni Jam. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

ANO JAM

GANUNMAN

GULAT

JAM

MEANING OF MOLES

NUNAL

PUSOD

SIMONA RICH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with