^

True Confessions

Black Widow (8)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TOTOO kayang magkakaasawa pa siya? Sabi ni Madam Sol, magkakaasawa pa siya. Pero nang tanu­ngin kung mamamatay, hindi masabi ng manghuhula. Duda tuloy siya kung mahusay nga si Madam Sol o nagkukunwari lang manghuhula. Madali lang magkunwaring manghuhula. Maski siya puwedeng mang­hula.

O baka naman, naghihintay lang ng panibagong ba­yad ang manghuhula bago sagutin ang tanong kung mamamatay ang mapapangasawa. Para sa isang tanong lang kasi ang binayaran nila ni Jam. Dapat na­isip nila iyon para nasagot kung mamamatay ba ang mapapangasawa niya. Ang sabi lang ni Madam Sol ay wala siyang ma­kita sa mga naka­latag na baraha. Puwede ba ‘yun? Si­guro nga’y naghihintay ng panibagong bayad ang manghuhula. Si­yempre, business is business. Bawat kunsulta o tanong ay may katapat na bayad. Dapat na­isip nga nila ni Jam na magbayad ng panibago para nasagot ang kanilang tanong kung mamamatay ang sinasa­bing mapapa­ngasawa niya.

Kung na­sagot ni Ma­dam ang ka­nilang tanong kung mamamatay ang la­­laking mapapangasawa baka natahimik na siya. Ngayong walang linaw, para bang may mga agam-agam siya. Gusto niyang malaman kung mamamatay ang ikaapat na lalaki sa kanyang buhay. Pero ang mahirap sa kanya, ayaw na niyang magpahula sa iba.

Minsan, isang umaga, narinig niya ang pinag-uusapan ng dalawang lalaking­ kasamahan sa opisina. Malakas ang kan­yang radar na nasagap ang pinag-uusapan.

“Pre ayan na si Black Widow. Seksi pala ano?’’

“May asim pa!’’

“Ano kaya at por­mahan ko ‘yan.”

“Puwede binata ka naman.”

“Kaya lang di ba, namamatay ang napapangasawa niyan?’’

“Nagkataon lang ‘yun.’’

“Pre ayaw ko pang mamatay!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BLACK WIDOW

DAPAT

KUNG

LANG

MADAM SOL

PERO

PUWEDE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with