^

True Confessions

Black Widow (6)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAHUSAY ba ang manghuhulang ‘yan, Jam?’’ tanong ni Marie habang nasa may pintuan sila ng kuwartong inookupa ng manghuhula na nasa isang lumang apartment sa Soler St.

“Oo.’’

“Paano mo nalaman na mahusay?’’

“Yung classmate ko sa college, nagpahula d’yan. Pinahulaan ang asawa kung nambababae. Nahulaan!’’

‘‘Talaga?’’

“Oo. Mahusay nga yang si Madame Sol. Baraha ang gamit sa panghuhula. Ano kakatok na ako? Nandyan na yan.’’

“Sige. Pero ano ang itatanong ko? Ano ang ikukun­sulta ko kay Madam Sol?’’

“E di itanong mo kung magkakaasawa ka uli?’’

“Tapos?’’

“Itanong mo kung mamamatay uli ang asawa mo.’’

“Di ba nakakahiya?’’

“Hindi! Ba’t ka mahihiya e ganyan talaga ang trabaho niya.’’

“Sige kumatok ka na.’’

Kumatok si Jam.

Ilang saglit at may nagbukas ng pinto. Isang babae na tila katulong ng manghuhula.

“Si Madam nandyan? Magpapahula kami.’’

“Narito na po. Pasok po kayo,” sabi ng babae at ibinukas nang ma­laki ang pinto. Pumasok sina Jam at Marie.

“Maupo po kayo,’’ sabi ng babae at itinuro ang plastic chairs. “Sasabihin ko po kay Madam na may customer siya.’’ Pumasok ang babae sa isang cubicle.

“Nakapunta ka na rito, Jam?’’

“Oo. Pero hindi ganito ang opisina ni Madam. Maayos na ngayon.’’

“Kailan ka nagpunta rito?’’

“Mga three years na siguro. Isinama nga ako ng classmate ko dahil problemado sa mister niya. Babaero pala.’’

“Nahulaan ni Madam Sol.’’

“Oo. Nakita sa pamamagitan ng baraha.’’

‘‘Anong nangyari sa classmate mo nang malaman na may babae ang mister niya?’’

“Kinumpronta niya. Umamin. Mula nun, nagbago na ang mister. Iniwan ang babae. Kasi’y may ibinigay si Madam sa classmate ko para iwanan ang babae. Epektibo.’’

“Talaga? Mahusay nga ano?’’

Maya-maya, lumabas ang babae. Tinawag sila.

“Pasok na po kayo.’’

Pumasok sila sa cubicle.

Nakita nila si Madam Sol. Maganda kahit mataba. Maayos manamit. Mga 50-anyos marahil.

‘‘Good morning Madam,” bati ni Jam.

“Good morning. Natatandaan kita. Nanggaling ka na rito ano?’’

“Opo.’’

“Maupo kayo.’’

Naupo ang dalawa.

“Ano ang problema?’’

‘‘Eto pong friend ko, itatanong kung mag-aasawa pa muli.’’

Tiningnan ni Madam si Marie. Pagkaraa’y binalasa ang tarot cards. Ilang balasa at saka inilatag sa mesa.

“Oo. Mag-aasawa pa.’’

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

BABAE

ILANG

MAAYOS

MADAM

MADAM SOL

MADAME SOL

OO

PUMASOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with