^

True Confessions

Black Widow (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HALIKA, Marie mer­yenda tayo,” sabi ni Jam na ikinagulat ni Marie. Alas tres na pala ng hapon. Break time.

Tumayo siya. Nag­tungo sila ni Jam sa basement na kinaroroonan ng canteen.

Pumili sila ng pagkain at inumin at saka pumila para bayaran ang mga iyon. Isang mesa sa sulok ang pinili nila.

“Black widow pala ang tawag sa’yo ng mga kasamahan na­ting lalaki, Marie.’’

“Oo nga narinig ko kanina.’’

“Okey lang sa’yo. Hindi ka nagagalit?’’

“Oks lang. Wala namang masama roon. Hayaan mo sila.’’

“Kasi’y pag sina­bing black widow, ne­gative ang dating. Di ba yung black widow ay nag-originate sa isang female spider sa North America na pinapatay ang kanyang partner matapos mag-sex.”

“Oo. Mayroon ngang movie na Black Widow­. Tungkol sa isang babae na pinapatay ang mga nakakapartner para makuha ang mana o inheritance. If I’m not mistaken, 1987 movie yun. Hindi ko maalala ang bidang babae.”

“Talaga? Hindi kasi ako mahilig sa movie.’’

Kumain sila.

“Huwag kang ma­gagalit, Marie, curios lang ako, ano sa palagay mo ang dahilan at lagi kang nabibiyuda?’’

Napahinga si Marie bago nagsalita.

“Ewan ko Jam. Hindi­ ko alam.’’

“Tatlo na ang na­ging husband mo at pawang namatay. Nag­­kataon lang ba ang mga yun?’’

Napahinga muli si Marie.

“Hindi ko nga ma­intindihan, Jam. Pero gusto kong maniwala na kapag naka-sampung taon na kaming nagsasama ng aking­ mga naging asawa­, nangyayari ang ka­nilang pagkamatay.”

“Paanong ika-10 taon?’’

“Kasi una akong na­biyuda ay noong 25 years old ako. Sa pangalawa kong husband ay 35 years old ako at ngayon 45 years na ako, nabiyuda na naman ako.’’

Nakamulagat si Jam. Hindi rin makapaniwala sa sinasabi ni Marie.

“Paano kung mag-asawa ka uli Marie? Ibig sabihin pagsapit mo ng 55 ay biyuda ka na naman. Mamamatayan ka uli ng husband.”

“Oo. Naisip ko na ‘yan.’’’

“At balak mo pang mag-asawa, Marie?’’

Hindi makasagot si Marie. Mahirap magsabi ng tapos.

“Sabagay bata ka pa naman, Marie. Forty five ka pa lang. Pero sino kaya ang lalaking susunod?”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLACK WIDOW

HINDI

IF I

KASI

MARIE

NAPAHINGA

NORTH AMERICA

OO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with