^

True Confessions

Kastilaloy (42)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo)

SABAGAY, naisip ni Garet, noon pa man ay mahilig nang mag-ayos sa katawan ang kanyang mama. Kahit nasa bahay lang ito ay maayos ang suot. Lagi ring naka-makeup. At hindi tumataba ang kanyang mama. Hindi katulad ng ibang babae na pagsampa ng 50-anyos ay parang balyena na ang katawan. Ang kanyang mama ay 55-anyos na pero maliit pa rin ang baywang. Walang puson. Flat na flat ang tiyan. Maayos pa rin ang porma ng mga boobs. Makinis na makinis din ang kanyang mama. Hindi halatang 55 anyos ito. Mapagkakamalang 40 o 45 anyos ang kanyang mama. Lagi rin kasi nitong pinagaganda ang buhok kaya nagmumukhang bata. Makintab na makintab ang maitim nitong buhok. Hanggang balikat ang buhok nito. Kapansin-pansin din sa kanyang mama ang magagandang mga mata nito. Mga mata ng Espanyola. Makikita na may la-hing Kastilaloy ang kanyang mama.

Naikumpara ni Garet ang kanyang mama kay Carmina. Halos magka-sing-age ang dalawa. Mas posturyusa ang kanyang mama kay Carmina. Ganunman, maganda pa rin si Carmina, halong Kastilaloy din ang dugo. Kaya nga walang katotohanan na si Carmina ay anak sa ibang lalaki ni Amparo – ang ina ni Carmina. Walang duda na anak nga siya ni Dionisio Polavieja o Kastilaloy. At iisa rin siyang anak, nakakatulad ng kanyang mama na nag-iisa ring anak ni Lolo Fernando Polavieja.

Mula nang maging driver si Geof, napansin ni Garet na halos araw-araw ay umalis ang kanyang mama. Laging may lakad. Pero hindi na rin nagtatanong si Garet kung bakit araw-araw ay lumalabas ito. Araw-araw kaya ay may reunion silang magkakaklase. Imposible yata. Gaya naman ng sinabi niya, hindi na siya magtatanong o mag-uusisa sa kanyang mama kung bakit siya laging lumalabas. Ayaw niyang may pag-awayan sila. Kung hindi siya magsasalita, walang gulo. Basta tuluy-tuloy lang ang kanilang buhay. At siya, ipagpapatuloy ang pagsusulat sa kasaysayan ni Kastilaloy. Kailangang makakuha siya ng mga mahahalagang kuwento ukol kay Kastilaloy.

At si Carmina ang tiyak niyang maraming kuwento ukol kay Kastilaloy. Kaila-ngang makausap muli niya si Carmina. Kutob niya, marami pang alam si Carmina at pinipigil lamang nitong ikuwento sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG

ARAW

CARMINA

DIONISIO POLAVIEJA

GARET

KANYANG

KASTILALOY

LAGI

LOLO FERNANDO POLAVIEJA

MAMA

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with