^

True Confessions

Kastilaloy (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo)

LALAKI ang kausap ni Mama Julia at nakikipagbolahan ito. Masaya habang nakikipag-usap. May usapang magkikita sila. At may narinig pa si Garet na ang mama niya ang bahala sa lahat – pati sa pera.

Hindi mapakali si Garet habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang mama. Ayaw na sana niyang pa­kinggan pero hindi siya makatiis. Ngayon pa na natitiyak niyang lalaki ang kausap ng ina.

Nakinig siya.

Sabi ng kanyang mama sa kausap: “Ako nga ang bahala. Oo. Walang problema.’’

Nagsalita ang nasa kabilang linya at pagkaraan ay sumagot ang kanyang ina: “Pilyo ka. Binobola mo ako. Matanda na ako uy! Oo nga. Hindi halata? Bolero ka talaga.’’

Nagsalita uli ang nasa kabilang linya. Sumagot muli si Mama Julia. Humahalakhak muna. “Matanda na nga ako. Ano? Parang 40 lang ako? Ha-ha-ha!’’

Nagsalita uli ang nasa kabila. Matagal. Sagot naman ni Mama Julia: “Mahigit isang taon na akong biyuda. Oo nga! Ano? Bastos! Ikaw ha, kung anu-anong iniimadyin mo.’’

Nagsalita muli ang nasa kabila. Sumagot muli si Mama Julia. “Bukas na nga lang tayo mag-usap. Oo. Five ng hapon. Ano? Susunduin mo ako rito. Loko ka ha. Baka makita ka ng anak ko. Huwag. Sige na! Babay na. Oo. Sige na!’’

Naputol na ang usapan.

Umalis na sa kinakukublihan si Garet. Nagmamadali siyang nagtungo sa kanyang room.

Isinara ang pinto.

Naupo siya sa gilid ng kama. Shock pa rin siya sa narinig na pakikipag-usap ng kanyang mama sa lalaki sa kabilang linya. Parang hindi bagay makipagbolahan ang isang may edad nang babae sa telepono. Parang nakakawala ng dignidad.

Baka mag-aasawa uli ang kanyang mama? Bakit masayang-masaya habang nakikipag-usap?

Hindi malaman ni Garet ang gagawin. Kung pagsabihan kaya niya ang kanyang mama? Baka naman magalit sa kanya. Baka pagsabihan siya na huwag makialam. Baka hindi nito magustuhan ang sasabihin niya ukol doon.

Nakatulugan ni Garet ang isiping iyon.

KINABUKASAN, napansin ni Garet na abala ang kanyang mama sa pag-aayos sa sarili. Halatang excited.

Nang mag-alas kuwa­tro, napansin ni Garet na alumpihit na ang ina. Siya na ang nagtanong dito.

“Aalis ka na naman Mama?’’

“Oo, Garet. Importante. Baka nga pala gabihin ako.’’

“Saan ka pupunta, Ma?’’

“Sa kaibigan ko. Sige, bye.’’

Umalis na ang kanyang mama. Walang nagawa si Garet kundi sundan ng tingin ang ina. (Itutuloy)

AKO

ANO

GARET

KANYANG

MAMA

MAMA JULIA

NAGSALITA

OO

SIGE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with