^

True Confessions

Sinsilyo (184)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makaalis si Mau, agad pumasok sa kanyang kuwarto si Kastilaloy. Kinuha ang mga lumang punda ng unan at dinala sa likod ng bahay. Nilagyan ng mga bato na singlaki ng sinigwelas ang mga punda. Kalahati lang. Pagkatapos lagyan ng mga bato ay ipinasok isa-isa sa kanyang kuwarto. Sa bawat punda ng unan na may bato ay nilagyan sa ibabaw ng mga barya na nakabalot sa plastic. Kung titingnan, parang punumpuno ng barya ang apat na punda. Pagkatapos maisaayos ang apat na punda ay tinalian nang mahigpit at saka inilagay sa ilalim ng kanyang kama. Hanay-hanay ang apat na punda na sa unang tingin ay namumutok sa lamang barya.

Napangiti si Kastilaloy. Kapag nakita ang mga iyon ni Lyka, tiyak na tutulo ang laway. Baka ito na ang mag-alok ng sarili. Kilala na niya si Lyka, madaling akitin kapag pinakitaan ng pera. Pero tatakawin muna niya ito. Kailangang ‘yung tulo na tulo ang laway. ’Yung halos magmakaawa. Nagtawa nang lihim si Kastilaloy.

Pagkatapos niyon ay inobserbahan ang mga kilos ni Lyka. Tiningnan niya ang relo sa dingding. Mag-aalas nuwebe na. Maliligo na si Lyka. Hindi na niya ito sisilipan. Bakit pa niya sisilipan e eto at malapitan na niyang nakikita. Kaila-ngan lamang ay bilisan ang pagtingin sapagkat mabilis na tinatakpan ni Lyka ang katawan. Tinatakaw din siya nito. Alam na niya kung gaano kalikot ang isipan ni Lyka. Pero hindi siya pahahalata.

Nang matiyak niyang naliligo na si Lyka, tumambay na siya sa may pinto ng kanyang kuwarto. Kapag nagdaan si Lyka, tatawagin  niya ito at kakausapin. Kailangang makumbinsi niya si Lyka.

Naghintay nang may 20 minuto si Kastilaloy. Hanggang lumabas si Lyka. Nakabalot ng tuwalya si Lyka.

“Lyka!’’

Nagulat si Lyka.

“Bakit Tatang Dune?”

Lumapit si Kastilaloy sa babae. Nakatigil at nagtataka si Lyka.

“May ipakikita ako sa’yo Lyka?’’

“Ano yun?”

“Basta sumama ka sa kuwarto ko. Tiyak na matutuwa ka.”

“Baka makita tayo ni Mau.”

“Naku ito naman kunwari pa. Alam kong umalis na si Mau. Nagpaalam sa akin kanina.’’

Hindi nakapagsalita si Lyka.

“Matutuwa ka pag nakita mo, Lyka. Halika na.”

“Baka may gagawin ka ha?”

“Wala. May ipapakita nga ako sa’yo iha.”

“Iha-iha ka pa diyan.’’

“Halika na sa kuwarto ko.’’

Sumama si Lyka.

Nauna si Kastilaloy. Nakangiti si Kastilaloy. Tiyak tulo laway si Lyka.

(Itutuloy)

ALAM

BAKIT TATANG DUNE

HALIKA

KAILANGANG

KAPAG

KASTILALOY

LYKA

NIYA

PAGKATAPOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with