^

True Confessions

Sinsilyo (160)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GINAWA agad ni Lolo Kandoy ang balak na pakikipag-usap sa iba pang matatanda. Nang gabi ring iyon, inisa-isa niyang puntahan sa mga kuwarto.

Inuna niya si Lolo Ciano­. Gulat na gulat ito sa pagkatok niya. Pinapasok siya. ‘‘Bakit Kandoy?’’ Tanong ni Lolo Ciano.

“May sasabihin lang ako Ciano, importante.’’

“Ano ’yun?’’

“May nangyayaring milagro sa mga sinsilyong iniintriga natin kay Kastilaloy.’’

“Anong milagro?’’

“Unti-unting ninana­nakaw!’’

“Nino?’’

“Ni Lyka at Kastilaloy!’’

“Ano? Ninanakaw nila ang ating pinagpapa­limusan?’’

“Oo.’’

“Hindi na ako magpa­palimos kung ganun!’’

“’Yan nga ang dahilan kaya ako narito. Huwag mo nang punuin ang lata na iniintriga kay Kastilaloy. Gawin mo na lang kalahati at ang kalahati pa, isubi mo na.’’

“Paano kung mahuli ako, Kandoy?’’

‘‘Sabihin mo kalahating lata lang ang napalimusan mo. Basta yun ang sabihin mo.’’

“Sige! Kaysa manakaw lang nila e ako na ang ma­kinabang.’’

“Tumpak!’’

Pagkatapos kausapin si Lolo Ciano, sina Lolo Amboy, Lolo Indo, Lolo Kulas, Lolo Teban at iba pang matatanda ang kinausap ni Lolo Kandoy. Pawang sumunod sa kanya ang mga matatanda na kalahati lang sa lata ang barya na iiintriga kay Kastilaloy. Ipinagdiinan niya sa mga ito na ninanakaw lang nina Kastilaloy at Lyka ang mga barya.

Kinabukasan, bago magpalimos, sa school na pinag-aaralan ni Gaude nagdaan si Lolo Kandoy. Nagbabakasakali siya na makikita roon si Gaude.

Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga lalaking estudyante. Pero bigo siya. Wala si Gaude. Nakadama ng kabiguan ang matanda. Saan kaya niya hahanapin si Gaude.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAKIT KANDOY

KASTILALOY

LOLO

LOLO AMBOY

LOLO CIANO

LOLO INDO

LOLO KANDOY

LOLO KULAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with