^

True Confessions

Sinsilyo (133)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINUBAD na ni Lyka ang manipis na pantulog. Sa paghubad ay yumugyog ang katre ni Gaude. Lumangitngit pa. Nang mahubad, parang diwata si Lyka na nakahiga sa gitna ng kaparangan. Wala pala talaga siyang suot kundi ang manipis na pantulog. At tila sanay na sanay na si Lyka sa paghuhubad. Walang kiyeme. Walang hiya-hiya. ‘

‘‘Gaude!’’ Tawag nito.

Pero tila naihanda na ni Gaude ang sarili. Hindi siya patatalo. Hindi siya bakla pero lalabanan niya ang panunukso ni Lyka. Hindi siya kakagat sa ‘‘mansanas’’

‘‘Gaude, tumingin ka sa akin,’’ sabi ni Lyka na ang tinig ay tila nakikiusap.

Pero desidido na si Gaude. Hindi siya bibigay.

‘‘Bading ka ba talaga? Kung yung ibang lalaki gustung-gustong mabin­yagan ang kargada nila, ikaw naman aayaw-ayaw pa,’’ nanghahamon na naman ang boses ni Lyka.

Subalit walang naririnig si Gaude. Mistulang may nakapasak na bulak sa taynga niya. Hindi siya magpapatangay sa agos ng kasalanan.

‘‘Ako na nga ang nag-aalok na magbibinyag e ayaw pa. Bakla ka nga siguro o baka hindi ka pa tuli. Kapag ang isang lalaki raw ay hindi bumigay sa katutukso ng babae, tiyak na may matris din ang lalaki, ha-ha-ha!’’

Pero kahit pa anong sabihin ni Lyka, hindi pinansin ni Gaude. Mas mahalaga sa kanya na maging matapat kay Tito Mau para maabot ang pangarap niyang makatapos ng pag-aaral. Makapaghihintay naman ang pagtikim sa ‘‘mansanas’’ ni Lyka. Hindi siya magmamadali.

‘‘Matitikman mo ako matitikman din kita. Gusto ko ring makatikim ng birhen, baka akala mo. Malay mo mas mahusay ka kay Mau. Si Mau amoy lupa na!’’ Seryoso si Lyka sa sinabi. Anong klaseng babae kaya ito. Pinaglalaruan lang si Tito Mau.

‘‘Ayaw mo talaga Gaude?’’

Walang sagot. Patuloy si Gaude sa pagbibilang ng mga barya. Malapit na niyang matapos ang pagbibilang. Kaya pala niyang bilisan ang pagbibilang kapag may nanunukso. Napupuwersa niya ang sarili na bilisan ang pagbibilang.

‘‘Baka magsisi ka Gaude, iniaalok ko na ang sarili ko pero ayaw mo. Halika na. Tayo lang naman ang makakaalam. Hindi malalaman ni Mau na nagtitikiman tayo…’’

Walang epekto kay Gaude. Wala siyang naririnig. Hindi siya bibigay kahit na ano pa ang sabihin.

“Wala talaga! Bading talaga! Makapagbihis na nga! Wala palang mangyayari!’’ sabi ni Lyka at dinampot ang pantulog at isinuot.

Tagumpay si Gaude. Nalampasan ang panunukso.

“Pero hindi bale, matitikman din kita. Hahabulin mo rin ako, Gaude.’’

Lihim naman na nagtatawa si Gaude.

Hanggang sa matapos ang binibilang na barya.

‘‘Tapos ko na pong bilangin, Tita Lyka.’’

“Diyan ka magaling. Good boy ka pagdating diyan.’’

Tumayo na si Lyka.

“Sayang ang pinalampas mong pagkakataon, Gaude.’’

(Itutuloy)

GAUDE

LYKA

PERO

SI MAU

SIYA

TITO MAU

WALA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with