^

True Confessions

Sinsilyo (99)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI humihinga si Gaude habang pinagmamasdan si Lolo Kastilaloy sa pagbutas sa pader. Isang malaking pako ang gamit ng matanda sa pagbubutas. Halatang matigas ang pader sapagkat bawat pukpok sa pambutas na pako ay may estrel­yang lumalabas doon. Mabagal ang pagpukpok ng matanda. Sa tingin ni Gaude, mababaw pa ang hukay sa pader. Titigil at saka hihinga ang matanda at saka magbubutas uli pagkaraan. Desidido si Kastilaloy na matapos ang pagbubutas.

Hanggang sa makita ni Gaude na binitawan ang pa­kong pambutas at ang pamukpok na kapirasong bakal. Humakbang ito para lumabas.

Nagmamadali si Gaude sa paglabas. Delikadong makita siya ni Kastilaloy. Tiyak na malaking problema kapag nakita siya. Baka hindi lamang masakit na pananalita ang marinig niya, baka sapakin pa siya.

Nakalabas siya sa bahay na lata at mabilis na nakapagkubli sa isang haligi. Nakita niya ang paglabas ni Kastilaloy. Tinungo ang tirahan nito. Makaraan ang ilang minuto ay nakita niyang paparating ito at may bitbit na martilyo at saka sako. Pumasok sa loob ng bahay na lata. Maya-maya pa, narinig niya ang pagpukpok sa pader. Pero mas malakas ang ingay ngayon kumpara sa nakaraan. Dahil siguro, martilyo na ang ginagamit. Sunud-sunod pa niyang narinig ang pagpukpok hanggang sa tumigil. Hindi na niya narinig ang pagpukpok. Tapos na siguro si Kastilaloy.

Iniisip ni Gaude kung ano ang butas na iyon. Palaisipan para sa kanya. Kailangang malapitan niya ang butas para malaman niya. Pero paano siya makakalapit kung naroon ang matanda.

Mamayang gabi niya pupuntahan! Iyon ang naisip niya. Gagawin niya habang mahimbing si Kastilaloy.

 

KINAGABIHAN, dakong alas onse ng gabi, pagkatapos magbilang ng barya, ay tinungo niya ang bahay na lata.

Nang matiyak na walang tao, pumasok siya sa bahay na lata. Tiningnan ang butas na ginawa ni Kas­tilaloy.

Sinuri niya. Malalim na. Sinukat niya. Lulusot na sa kabila sa ilang pukpok ng martilyo! Malapit nang mabutas!

(Itutuloy)

vuukle comment

DAHIL

DELIKADONG

DESIDIDO

GAGAWIN

HALATANG

KASTILALOY

LOLO KASTILALOY

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with