^

True Confessions

Sinsilyo (98)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IPAPAHAMAK pa siya ni Lolo Kastilaloy dahil sa panty, iyon ang na­isip ni Gaude. Wala namang ibang magsasabit ng panty sa door knob kundi si Kastilaloy kaya siya ang may kagagawan niyon. Kung isusumbong siya ni Lyka kay Tito Mau at paga­galitan siya, sa­sabihin na niya ang totoo na si Kastilaloy ang “sa­larin”. Gumamit ng banyo si Kastilaloy at nang linisin niya, nakasabit na ang panty ni Lyka sa door knob. Iyon ang sasabihin niya kay Tito Mau sakali’t kumprontahin siya. Ililigtas niya ang sarili. Iyon naman ang totoo.

Pero paano kung pabulaanan ni Kastilaloy na siya ang nagsabit ng panty. Mahusay magsinungaling ang matanda. Madali itong makaisip nang ilulusot. At baka siya ang idiin na nagsabit ng panty. At dahil malakas ito kay Tito Mau at matanda pa, baka ito ang kampihan. Maraming beses nang kinakampihan ni Tito Mau si Kastilaloy lalo na nang mag-away ito at si Lolo Kandoy. Parang natatakot si Tito Mau kay Kastilaloy at hindi niya maintindihan kung bakit.

Pero lumipas ang mag­hapon ay hindi siya kinumpronta ni Tito Mau. Kinabukasan, habang nagluluto ng almusal ay tinanong pa siya ni Tito Mau kung marami nang nabilang na barya. Na­kangiti pa si Tito Mau. Kung sinumbong siya ni Lyka ukol sa panty e di sana ay galit ito sa kanya at baka kung ano ang sabihin. Mabuti naman at hindi siya sinumbong ukol sa panty.

“Marami na akong na­bilang, Tito Mau.’’

“Mabuti. Bukas ay ide­deposito ko at may pupuntahan kami ni Lyka. Kailangan ko nang medyo malaki-laking pera.’’

“Marami na po akong nabilang, Tito.’’

“Okey sige. Basta ’yung bilin ko, huwag kang magpapapasok kahit sino. Kahit si Tatang Dune. Sabihin mo, ako ang may utos.’’

“Opo, Tito. Lagi ko pong ikinakandado ang pinto.’’

“Ganyan nga. Teka, marami pa ba ang nakabunton na barya?”

“Marami pa po. Parang hindi po nababawasan. Kasi marami pong napapagpalimusan sina Lolo Kandoy. Marami raw nagbi­bigay ngayon dahil papa­lapit na raw ang Pasko.’’

“Oo nga, pagpasok ng ‘ber’ maraming nagbibigay. Sige, ikaw na ang bahala sa mga barya at sa mga matatanda. ’Yung pagkain nila, lagi mong ihahanda.’’

“Opo. Balak ko nga po ginisang corned beef naman­ ang ipakain sa kanila. Medyo masarap-sarap naman.’’

“Bahala ka, Gaude. Sige.’’

Umalis na si Tito Mau at nagtungo sa banyo.

 

KINABUKASAN, ini­labas ni Gaude ang basura sa likod ng bahay. Narinig na naman niya ang pagpupukpok ni Lolo Kastilaloy habang nasa loob ito ng bahay na lata. Ilang araw nang nagpupukpok si Kastilaloy. Parang binubutas ang pader.

Nagtataka na siya kaya gustong makita ang ginagawa ng matanda.

Dahan-dahan siyang lumapit sa bahay na lata para silipin ang gina­gawa ni Kastilaloy. Maingat siyang­ nakapasok sa loob. Sinilip niya ang matanda. Nakita niya ang ginagawa. Binubutas nito ang pader. Bakit kaya?

(Itutuloy)

KASTILALOY

LOLO KANDOY

LYKA

MARAMI

MAU

SHY

SIYA

TITO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad