Sinsilyo (82)
HABANG nililinis ang banyo ay si Tito Mau at si Lyka ang iniisip ni Gaude. Sa tingin ni Gaude, mga 24 years old si Lyka. Si Tito Mau ay mga mahigit 40 sa tantiya niya. Halos 20 taon ang agwat. Parang anak na ni Tito Mau si Lyka. Saan kaya nakilala ni Tito Mau si Lyka? Baka sa Baguio. Minsan ay inabot ng ilang araw sa Baguio si Tito Mau. O baka naman doon lang sila namasyal at nagpasarap. Baka taga-rito rin sa Maynila si Lyka. Sa tingin niya ay laki rito sa lungsod si Lyka. Sanay na sanay makipagbiruan kay Tito Mau. Pawang “berde” pa ang pinag-uusapan kanina. Akala siguro ay hindi niya alam ang pinag-uusapan. Kahit na probinsiyano siya ay alam niya iyon.
Kasal na kaya ang da-lawa o live-in lang? Sa tipo ni Lyka ay hindi uso rito ang kasal. Mas gustong makipag-live-in na lang para kung magkasawaan ay libreng maghiwalay. Walang kasal na hadlang.
Matapos linisin ang banyo ay nagwalis siya sa salas at kusina. Kailangang malinis na malinis ang bahay. Kakahiya kay Lyka. Nang malinis na niya ang salas at kusina ay ang pagluluto ng pagkain para sa mga “alaga” nilang matanda ang hinarap.
Nang matapos ang pagluluto ay saka naman siya naligo. May klase siya ng ala-una ng hapon.
Bago mag-alas dose, nagdatingan na ang mga “alagang matanda” at si-nandukan niya ng pagkain. Huling damating si Lolo Kandoy.
“Bakit ngayon ka lang Lolo Kandoy?”
“Masama ang pakiramdam ko Gaude. Parang lalagnatin ako.’’
“Uminom ka ng gamot, Lolo.”
“Uminom na ako.’’
“Gusto mo igawa kita ng sabaw para mainitan ang sikmura mo? May kapirasong manok dito. Ilalaga ko ang manok.”
“Sige, Gaude. Gusto ko ng sabaw.”
“Saglit lang. Maupo ka muna at magluluto ako.’’
Nagluto si Gaude habang nakabantay si Lolo Kandoy.
Nang maluto ang nilagang manok, nilagay niya sa tasa at pinahigop sa matanda.
“Sarap ng sabaw. Sa-lamat, Gaude. Mabait ka talaga.’’
“Walang anuman Lolo. Siyanga pala, may sasa-bihin ako.’’
“Ano yun?”
“May asawa na si Tito Mau. Kasama na niya sa kuwarto.’’
“Anong pangalan?’’
“Lyka. Maganda siya at bata pa.”
Napailing-iling si Lolo Kandoy.
“Bakit Lolo?”
“Nadagdagan ang pa-kakainin.’’
Napangiti lang si Gaude.
KINABUKASAN, naghuhugas ng mga ping- gan si Gaude nang makita niya ang paglapit ni Lyka.
“Hi, Gaude pagamit ng CR ha?”
“Opo. ‘Yan pong nasa kaliwa mo ang CR.”
Ngumiti si Lyka.
(Itutuloy)
- Latest