^

True Confessions

Sinsilyo (63)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MADALING araw na ako darating,” sabi ni Mau kay Gaude. “Kapag natapos kang magbilang ng barya, isusi mo ang kuwarto. May duplicate naman ako. Basta ingatan mo lamang na walang makakakita sa iyo habang nagbibilang. Mahirap na. Baka mabawasan na naman. Ilagay mo sa plastic at lagyan ng label. Tulad ng ginawa mo nung nakaraan. Di ba dun tayo kumuha ng pang-enroll mo.’’

“Opo, Tito Mau.’’

“Kailangan kasi mabilang na ang mga iyon dahil idedeposito ko sa banko. Mayroon kasi akong bibilhing mahalaga.’’

“Opo, Tito. Pipilitin ko pong matapos mamaya.’’

“Pero kung maaapek­tuhan ang pag-aaral mo e huwag mong tapusin.’’

“Hindi po. Tapos na po ang exam namin.’’

“O kumusta naman ang pag-aaral mo?”

“Mabuti naman po.’’

“Siyanga pala, ibibi-gay ko na sa’yo ang aking cell phone. Kailangan mo ang cell phone.’’

“Salamat po. Ano po ang gagamitin mo?”

“Bibili ako ng bago. Yung latest.’’

“Ako nga lang po ang walang cell phone sa klase namin.’’

“Hayaan mo at magkakaroon ka rin.’’

“Salamat po uli.’’

 

KINAGABIHAN, inum-pisahan na ni Gaude ang pagbibilang sa mga barya. Isinara niyang mabuti ang pinto at baka may makakita sa kanya. Nagulat siya sapagkat nakatambak na nga ang mga lata na puno ng barya. Ang iba ay nasa labas na. Hindi na magkasya sa ilalim ng kama. Tama ang sabi ni Tito Mau na marami na namang bibilangin. Wala namang kamalay-malay si Tito Mau na alam na niya kung saan nanggaling ang mga barya. Pero hindi niya iyon masasabi kay Tito Mau. Gaya ng sabi ni Lolo Kandoy, hindi naman sila pinilit na mamalimos ni Tito Mau. Kusa silang namalimos at ang pinagpalimusan ay iniintrega kay Lolo Kastilaloy. Si Kastilaloy na ang magdadala sa kuwartong ito.

Inumpisahan na ni Gaude ang pagbibilang. Naalala niya ang sinabi ni Lolo Kandoy, bawat lata raw ay may number sa ilalim. Tiningnan niya. Number 3 ang nakita niya. Iyon ang number ni Lolo Kandoy. Tiningnan niya ang iba pang lata at nakita niya ang mga number.

Pinagpatuloy niya ang pagbibilang sa mga barya. Pipilitin niya itong matapos. Kailangan, bago dumating si Tito Mau, tapos na niya ito. Kailangan daw maideposito sa banko. Siguro’y bibili na ng la-test na cell phone si Tito Mau kaya pinabibilang sa kanya. (Itutuloy)

KAILANGAN

LOLO KANDOY

LOLO KASTILALOY

MAU

NIYA

OPO

PERO

TITO

TITO MAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->