^

True Confessions

Sinsilyo (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG umuwi si Gau-de mula sa school ay wala pa si Lolo Kandoy. Tapos na siyang magluto ng hapunan pero wala pa rin si Lolo Kandoy. Baka naman nasa kuwarto na ang matanda.

Pinuntahan niya ang tirahan ng mga matatanda sa likod. Sinilip niya ang kuwarto ni Lolo Kandoy. Walang tao. Maging ang kuwartong katabi ng kay Lolo Kandoy ay wala rin. Naglabasan yata ang lahat nang matanda at namasyal.

Tinungo niya ang kuwarto ni Lolo Dune. Sinilip niya sa naka­awang na pinto. Nakita niya ang matanda sa loob. Nakaupo ito sa pandak na bangkito at nakatingin sa dingding na parang nagdadasal. Napansin niya na may mga booklet o dasalan sa ibabaw ng teheras na higaan. Matutulog na kaya ang matanda. Pero hindi pa ito kumakain. Madalas, hindi ito kumakain sa gabi. Sa almusal naman ay nangunguna sa pagpila. Ganundin sa tanghali.

Umalis na siya sa   pagkakasilip at baka pa siya makita nito ay pagsabihan siyang sin­ver­guenza at tonto. Masa-    kit magsalita ang Kastilaloy na matanda. Parang Indio ang turing sa kanya.

Ilan pang kuwarto ang sinilip niya at si Lolo Dune lamang ang naiwan sa kuwarto niya.

Nagbalik siya sa kusina at inihanda ang sandok at takalan ng kanin. Pasado alas siyete na ng magdatingan ang mga matatanda. Sabay na dumating ang dalawang matanda na halatang pagod na pagod. Nagsunud-sunod na ang pagdating. Parang mga ibon na nagbalik sa sariling pugad.

Makaraan ang ilang minuto ay sabay-sabay ding nagtungo sa kusina bitbit ang kanilang pinggan. Habang nakapila ay kung anu-ano ang mga sinasabi. Halatang gutom na gutom.

“Dagdagan mo ang repolyo Gaude at pati sabaw. Gutom na gutom ako!” sabi ng matanda sa unahan. Sinandukan niya ito nang maraming ginisang repolyo. Inilagay niya ang pritong galunggong sa ibabaw.

Ang mga sumunod ay ganundin. Nagpadagdag ng repolyo.

Hanggang maubos ang pila.

Hindi pumila si Lolo Dune. Hindi kumain ang Kastilaloy!

Tanging si Lolo Kan­doy ang wala.

Pasado alas otso ito dumating. Narinig niya ang kalantog sa gate.

Lumabas si Gaude para salubungin. Si Lolo Kandoy nga.

‘‘Ginabi ka po Lolo Kandoy.’’

‘‘Oo. Pero sulit naman, he-he!”

(Itutuloy)

KASTILALOY

LOLO

LOLO DUNE

LOLO KAN

LOLO KANDOY

MATANDA

NIYA

PARANG INDIO

PASADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with