^

True Confessions

Sinsilyo (10)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ISARA mo na yung gate kapag mga alas nuwebe ay wala pa ako. Huwag mong kalilimutan. Pero bago mo isara, siguruhin mong nasa loob na ang mga alaga natin. Silipin mo lang dun sa kani-kanilang kuwarto. Nakita mo na ba ang tirahan nila sa likod?”’

“Opo.’’

“Kapag nasa kani-kanilang kuwarto na ay isara mo na ang gate, ha?”

“Opo Tito. Ano nga po pala ang iluluto ko nga-yong gabi?”

“Yung balatong, igisa mo tapos magpaksiw ka ng bisugo. May bisugo pa sa ref.’’

“Opo.’’

“Sige, aalis na ako. Huwag mong kalimutan ang bilin ko. Sa umaga na ang balik ko,” sabi at umalis na si Mau.

Inihatid ng tingin ni Gaude si Tito Mau. Naitanong niya sa sarili, saan kaya pupunta? Maba-ngung-mabango. Baka may kausap at mahalaga ang pag-uusapan.

Hanggang ngayon ay hindi alam ni Gaude kung ano ang trabaho ni Tito Mau. Nahihiya naman siyang magtanong. At saka kapag narito sa bahay ay hindi naman lumalabas ng kuwarto nito. Hindi pa nga niya alam kung ano ang itsura ng kuwarto nito. Isang araw ay sasabihin niya kay Tito Mau na lilinisin niya ang kuwarto nito. Baka puro alikabok na. Baka naman siya ang naglilinis ng sariling kuwarto.

Bago hinarap ni Mau ang paghahanda sa mga lulutuin sa hapunan ay nilinis muna niya ang may gate. Maraming dahon at upos ng sigarilyo. Winalis niya. Nakadikit na sa semento ang ilang dumi, tanda na matagal nang hindi nalilinis. Inilagay niya sa plastic bag ang mga basura at saka dinala sa likod at pinagsama-sama sa isang malaking basurahan.

Papasok na siya sa loob nang makita ang dalawang matanda na tila may pupuntahan. May nakasakbat na bag ang isang matanda. Halatang may laman dahil nakabukol.

Saan kaya pupunta ang dalawa?

Nakita siya ng dalawang matanda pero hindi siya pinansin. Tuluy-tuloy ang mga ito sa pagtungo sa labas. Nagkukuwentuhan pa ang dalawa na para bang masaya sa pi­nag-uusapan.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Gaude na alamin kung saan patungo ang dalawang matanda. Baka singhalan lamang siya. Halatang masungit ang dalawang matanda kagaya rin ng isang matandang sinandukan niya ng kanin kahapon.

Lumabas ang dalawa sa gate. Saan kaya pupunta?

(Itutuloy)

ANO

HALATANG

HUWAG

NAKITA

NIYA

OPO

OPO TITO

SAAN

TITO MAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with