^

True Confessions

Sinsilyo (9)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BINUKSAN ni Gaude ang pinto nang kumatok ang dalawang matanda. Tiningnan lang siya ng mga ito. Tuluy-tuloy ang dalawa sa kusina at lumabas sa pinto roon. Napansin ni Gaude na parang maraming laman ang bulsa ng isang matanda. Ano kayang laman. Kapwa naka-shorts pants ang dalawa.

Maya-maya, bumalik ang isa sa matanda at dala nito ang kanyang pinggan. Kakain na! Nagmamadali. Tila gutom na gutom ang matanda.

Agad sinandukan ni Gaude ang pinggan ng matanda. Dalawang cup ng kanin ang nilagay niya. Sumandok ng gulay. Dalawang sandok ang nilagay niya. Umuusok ang gulay dahil kaiinit lang ni Gaude. Halos umapaw ang pinggan ng matanda.

“Mainit po Lolo. Baka ka mapaso! Ako na po magdadala.”

“Huwag na! Kahit mainit kaya ko!’’ sabi at nagmamadali itong lumabas.

Maya-maya, ang isa pang matanda ang dumating. Walang damit pang-itaas. Lantad ang manipis na dibdib. Luyloy ang kayumangging balat. Hawak nito ng dalawang kamay ang pinggan. Isinahod kay Gaude.

“Yung tutong ang gusto ko ha!” sabi nito na nakangiti. Iilan na lang ngipin ng matanda.

Kinuha ni Gaude ang pinaka-ilalim ng kanin. Nakuha niya ang tutong. Mabango ang tutong. Tamang-tama ang pagkatutong. Hindi maitim.

“Yan ang gusto ko. Masarap!” Sinandukan ni Gaude ng gulay.

“Lagyan mo nang maraming repolyo at sabaw. Gusto ko yan!’’

“Opo Lolo.’’

Dalawang sandok ng gulay ang inilagay niya. Nilagyan ng sabaw na pahabol.

“Sarap!”

“Mainit po, Lolo.’’

“Kaya ko. Sige ha. Gutom na ako. Pagkulang babalik ako. Grabeng gutom ko!’’

“Opo.’’

Lumabas na ang matanda.

Wala nang kumain na matanda. Hanggang sa gumabi at nagsimula na namang maghanda ng hapunan si Gaude. Pritong galunggong naman, ayon sa utos ni Mau.

Isang hapon, nagpaalam si Mau. Na-kabihis ito. Mabango.

“Aalis muna ako, Gaude. Bahala ka sa mga ampon natin.”

(Itutuloy)

vuukle comment

AALIS

ANO

DALAWANG

GAUDE

LOLO

MABANGO

MAINIT

MATANDA

OPO LOLO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with